Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 14, 2023 People's Tonight 766 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok4Tiktok5TiktokCATS love to purr but this Kitty loves to dance and have fun! Tiyak na kayang-kaya makipagtalbugan ng TikTok star na si Kitty dahil sa taglay niyang karisma at pagiging kalog na siyang dahilan upang tingalain ng netizens sa video-sharing app.

Si Kristy Jose o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Kitty” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 201.7 thousand followers at 1.9 million likes sa kanyang account na may username na @1a_farfa11a. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @akosikitty, na mayroon nang halos 50 thousand followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body at skin, kalog personality, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Patuloy ngang nagiging maamo sa iba ang ngalan ni Kitty sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE