Pokwang Larawan mula sa Instagram/@itspokwang27

Pokwang sa pagiging single mom: ‘Ang hirap, ako lahat!’

September 13, 2023 People's Tonight 221 views

NAGLABAS ng saloobin patungkol sa hirap na pinagdadaanan ng pagiging single mother ang TV host at actress-comedienne na si Pokwang.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 13, nagbahagi ng isang maikling video clip ang “TiktoClock” host ng kanyang anak na si Malia habang bumababa ng sasakyan habang sinusuot ang bag na para bang papasok sa eskwela.

Sinabi ni Pokwang ang hirap ng pagiging single mother dahil siya umano ang sumasagot sa lahat.

“Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat!” pahayag ng actress-comedienne sa caption ng kanyang post.

Nagbigay rin siya ng hinaing patungkol sa kanyang failed relationship at kung paanong siya pa ang nasisisi rito.

“Tapos nag failed ang relasyon ako parin ang nasisisi?? bitter ka! move on kana!” wika pa ni Pokwang.

Pahayag pa ng aktres na subukan sana ng iba na ilagay nila ang sarili sa sitwasyon niya, dahil wala naman daw umanong nakakaalam kung gaano siya umiiyak sa tuwing nag-iisa at ang laman ng kanyang mga panalangin maliban sa Diyos.

“Maging nanay ka muna bago mo i invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko wag kang makasawsaw lang!” ani Pokwang.

Saad pa niya: “Hindi mo alam ang iyak ko sa gabi kapag nagiisa nalang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Dios.”

Nagpahatid naman ng suporta ang ilang netizens sa comment section sa mga pahayag na binitawan ng komedyante at sinabing nauunawaan nila ang mga paghihirap nito at kanyang nararamdaman.

“I feel you po. When I lost my husband to Covid 19, I don’t know how to divide my time, for my two kids, chores, and work. Ang hirap po. Hats off to all the moms who single handedly raising their kids. Thank you Mamang Pokie, you are an inspiration,” komento ni user @bewitchedangel78.

“Your feelings are absolutely valid. No one can tell you to move on. Moving on is a process, it takes time. You’re doing amazing with Malia. Haters will always have something to say. They will never be satisfied. Just do you,” pahayag naman ni user @miss.wena.

“You got this mamang! You are built for this!!! Love ya,” ani user @dudeitsnicolas.

Noong Hunyo ay matatandaang nagtungo si Pokwang sa Bureau of Immigration upang mag-file ng petition para ipa-deport ang kanyang ex-partner.

AUTHOR PROFILE