
TIKTOK STAR OF THE DAY
“BIKINI is life and life is better in a bikini” ang ibinabandera ng TikTok star na si Myla na tubong Lipa, Batangas. Hindi papahuli sa pagpukaw ng atensyon ng netizens at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.
Si Myla Latoza ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit mahigit 182 thousand followers at higit 681 thousand likes sa kanyang account na may username na @mylalatozaaaaaaa_. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @mylabelssss, na mayroon nang higit 16 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos 10 thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip synching skills, pagiging fashionista, travel contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Bukod sa pagiging social media star, isa ring businesswoman si Myla. Nagbebenta at nagsu-supply siya ng mga gadgets magmula pa noong 2016.
Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Myla sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.