Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 15, 2023 People's Tonight 178 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4SHE is ANNEmazing and ANNEstoppable when providing content to her audience. You guessed it right, she’s Anne! Ang Cebuana rising TikTok star ay hindi papahuli sa pagpukaw ng atensyon ng netizens at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.

Si Anne Valmoria ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 110 thousand followers at halos 800 thousand likes sa kanyang account na may username na @pupsicleanne. Sinusuba-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @annvlmria, na mayroon nang higit 40 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos 10 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, pagiging fashionista, beauty and skin care tips, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media account dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa paggawa ng dancing at fashion contents, marami ring ine-endorse na produkto si Anne mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Anne sa social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at mga brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE