Default Thumbnail

Tanod, vendor niratrat ng bala sa handaan

May 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 185 views

DALAWA katao kabilang ang isang chief ng Barnagay tanod ang nasawi matapos na ratratin ng bala ng hindi pa nakikilalang suspects sa Barangay Naocondiot, Placer Masbate.

Nakilala ang mga nasawi na sina Roldan Toñacao, chief tanod ng Barangay Taboc, Placer , Masbate at Vilma Emperado, isang barbecue vendor at resident eng Barangay San Roque, Esperanza, Masbate.

Batay sa ulat ng Placer Police Station, ang insidente ay naganap sa Barangay Naocondiot.

Kapwa umano dumadalo sa isang selebrasyon ang mga biktima nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan.

Dead on the spot ang mga biktima dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan habang mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Esperanza.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.