PIE

Talento at palarong pinoy, angat sa PIE channel

October 14, 2022 Ian F. Fariñas 371 views

Angat ang mga palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa Pienalo Pinoy Games, Piegalingan at Pak Palong Follow ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel.

Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan sa Pienalo Pinoy Games.

Mula Lunes hanggang Biyernes maaring makapag- uwi ng hanggang P50,000. Pwedeng salihan ang “Matching Matching” (7-8 p.m.), isang “matching” card game na hango sa Filipino card game na ungguy-ungguyan, at ang “Dagdag Bawas” (6-7 p.m.), isang interactive game tungkol sa tantyahan.

Tuwing Sabado, aapaw ang saya at papremyo hanggang P100,000 sa “PoB Sana All!” (6-8 p.m.), ang interactive comeback ng ABS-CBN game show na Pera o Bayong. Tuwing Linggo naman, nariyan ang “Sino’ng Manok Mo?” (6-8 p.m.) para sa tsansang manalo ng cash prizes.

Magsisilbing jocks ng Pienalo… sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes at Jackie Gonzaga (Linggo).

Samantala, galing ang panlaban sa talent variety block na Piegalingan kasama sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado) at Pak Palong Follow nina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani at Vivoree (Linggo).

Mula Lunes hanggang Sabado ang “Ekstra Ordinaryo” (4-5 p.m.) at Ekstra Oridinaryo Next Level interactive artista search.

Tuwing Linggo, iba’t ibang talento naman ang ipapakita sa talk-variety show na Pak! Palong Follow (4-6 p.m.) na layuning ipamalas ang kakaibang mga talento ng netizens na nagbibigay sigla sa kanilang followers sa social media.

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes araw-araw.

AUTHOR PROFILE