Akihiro

Sarah, wish makatrabaho ni Akihiro

October 14, 2022 Ian F. Fariñas 251 views

MAGKAKASAMA nang muli sina Akihiro Blanco at ang kanyang mga kapanabayan sa showbiz tulad nina Donnalyn Bartolome, Ella Cruz at Jairus Aquino sa kanyang pagpirma sa Viva Artists Agency (VAA).

Nagsimula ang Filipino-Japanese na si Aki bilang runner-up sa star search reality show ng TV5 na Artista Academy noong 2012.

Mula noon, naging parte na siya ng mga pelikula at TV shows mula sa debut movie niyang coming-of-age love story na Mga Alaala ng Tag-Ulan noong 2013.

Naging parte rin si Akihiro ng maraming episodes ng Wattpad Presents ng TV5, kung saan nakatrabaho niya sina Donnalyn at Ella.

Mula sa teen rom-coms, gumawa rin siya ng malalalim na drama roles gaya ng iWantTV series ni Direk Chito Roño na Spirits: Reawaken (2018) kasama si Jairus at sa 2019 ABS-CBN gothic romance-drama na Killer Bride, kasama ang tiyuhin niyang si James Blanco.

Pero sa mga proyektong tulad ng Born Beautiful (2019) naipakita ni Aki ang versatility bilang aktor sa pagganap sa papel ng ex ng isang transwoman.

Pagdating naman sa pagkanta at pagsayaw, nahasa si Akihiro sa noontime show ng Viva-TV5 na Happy Truck Happinas kasama ang Viva artist na si Yassi Pressman at Nicole Omillo.

Ngayong kabilang na siya sa Viva stable of artists, wish ni Akihiro na makatrabaho rin ang prized talents nito kabilang na ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at mga direktor na sina GB Sampedro at Mac Alejandre.

AUTHOR PROFILE