Jewel

Member ng LGBT, nabiktima ng dating beauty queen

October 14, 2022 Ian F. Fariñas 468 views

GOOD news muna tayo at segue sa bad news na kaugnay rin ng involved sa mabuting balita.

Binabati namin ang showbiz friend naming member ng LGBT, si Raymond Abadilla.

Based now sa San Jose, California si Raymond at nakatagpo ng afam na true love.

Napagkasal na silang dalawa at posted sa Facebook ni Raymond ang guy.

Pero bago umalis, isa pala siya sa mga nabiktima ng beauty queen na si Jewel May Lobaton na naaresto kamakailan sa Laoag City sa kasong estafa.

Yes, milyon ang perang nakuha ng beauty queen sa nagtiwala sa kanya, huh!

Ini-report ito ng 24 Oras kamakailan at narinig din namin sa radio DZBB.

Balitang hands off sa kaso ni Jewel ang dating hubby niyang si Senator Koko Pimentel.

PINALAKI

HIGIT na pinalaki ang handog ng Gabay Guro bilang pagsaludo sa teachers ngayong Teacher’s Month.

Malalaking celebrities ang magiging parte ng selebrasyon ngayong October 15.

Ito ang pangatlong beses mula noong pandemic noong 2020 na bigyan ng tribute ang mga guro.

May theme na “The Filipino Teacher: Our Pride, Our Purpose, Our Passion and Love,” gagawin ang streaming sa Gabay Guro Facebook page at YouTube channel simula 1 p.m.

Hosts sina Pops Fernandez, Sam Concepcion, Dominic Roque at Jolina Magdangal.

AUTHOR PROFILE