Tahanan

‘Tahanang Pinakamasaya’ bagong titulo ng TAPE, Inc. noontime show

January 6, 2024 Vinia Vivar 317 views

Eat Bulaga na ang title ng dating E.A.T. show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) kasama ang legit Dabarkads sa TV5.

Ito ay matapos ngang lumabas ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court na nagsasaad na ang TVJ ang rightful owner ng titulong Eat Bulaga.

For the first time ay kinanta na ng mga host ang original jingle/theme song ng Eat Bulaga habang suot ang red t-shirt na may original logo ng programa.

After the song ay hindi napigilan ng TVJ ang maging emosyonal habang nagpapasalamat sa nakamit na tagumpay.

Emosyonal na wika ni Bossing Vic, “’Eto naman po ay hindi lang laban para sa pamagat o title. Laban po ito para sa programang minahal namin at minahal ninyong lahat.”

Sabi naman ni Tito Sen, “Magandang simula ito para sa ating pagharap sa bagong taon.”

Nagpahayag naman si Vic ng pag-move forward pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.

“Sa naging desisyon ng korte, makakapagpatuloy pa rin naman ang lahat sa paghahatid ng kasiyahan sa mga manonood sa patas at payapang paraan.

“Panalo nating lahat ito.

“Let’s all move forward para sa mas masaya at mas makabuluhang Eat Bulaga!” ang dagdag niya.

Samantala, kahapon ay pinalitan na rin Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) ang titulo ng kanilang noontime show.

Hindi na ito Eat Bulaga kundi Tahanang Pinakamasaya na.

“Mga Kapuso, may balita tayong natanggap kahapon, kaya susunod tayo sa desisyon ng korte,” pahayag ng isa sa hosts na si Isko Moreno.

“Pero fresh episode tayo mula ngayon at laging good vibes lang at love, love lang,” dagdag niya.

“Ang mahalaga, hangga’t nand’yan po kayo, kami ni Paolo (Contis) at ang ating mga kasama dito sa Tahanang Pinakamasaya ay tuluy-tuloy ang tulong at saya at sorpresa,” sey pa niya.

Nagpalit na rin cover photo ang TAPE, Inc. sa kanilang Facebook account at ang bagong logo na ng “Tahanang Pinakamasaya” ang nakalagay.

Samantala, sa gitna ng bagong development na ito sa noontime slot, eh, naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network.

Anang management ng istasyon, “For accuracy and clarity of the public, the Regional Trial Court clearly found that GMA did not commit any act of copyright infringement or unfair competition against the plaintiffs as it was merely complying with its contractual commitments under its airtime agreement with co-defendant TAPE. In fact, the Court found that GMA was a mere nominal party to TVJ’s suit. And the latter never claimed any damages in their complaint as against GMA.

“We will comply with the directive of the Court on the airing of Eat Bulaga episodes in our platforms.

“Nevertheless, GMA Network will refer the matter to our external counsel to avail of the proper remedies before the appellate courts.”

AUTHOR PROFILE