Lovi1

Lovi dinenay ang buntis issue: I need my husband around to be able to be pregnant

January 6, 2024 Vinia Vivar 197 views

Itinanggi ni Lovi Poe na nagdadalang-tao siya kaya bigla siyang nagpaalam sa FPJ’s Batang Quiapo.

“No. First, I need to do it and have my husband around to be able to be pregnant,” sey ni Lovi sa panayam ng ABS-CBN.

Kahit kasal na si Lovi sa mister na si Monty Blencowe ay LDR (long distance relationship) pa rin sila dahil sa kani-kanilang career.

Sa US naka-base ang kanyang hubby habang ang aktres naman ay narito sa Pilipinas.

Napanood ang last episode ni Lovi bilang Mokang last Thursday. In her final scene ay nabaril siya ni Olga (Irma Adlawan) para iligtas ang buhay ni Tanggol (Coco Martin).

Marami ang nagulat sa tila biglaang pag-exit ng aktres sa serye lalo pa nga’t napamahal na sa mga tao ang tambalang Mokang at Tanggol.

Ayon kay Lovi, sobrang grateful at thankful siya na naging part siya ng FPJBQ sa loob ng isang taon.

“It’s my first time to be part of a show that represents my father’s name, so I’m really grateful to have been part of it and sobrang nagpapasalamat ako sa friendships that… mga relationships na nabuo dito,” she said.

“I have nothing but beautiful memories. But I think, after a year, I think it’s time for me to open myself up again with, you know, sa mga bagong opportunites,” paliwanag ni Lovi sa kanyang pag-alis.

AUTHOR PROFILE