Sharon & Gabby

ShaGab fans, sabog sa b-day greeting ni Gabby kay Sharon

January 6, 2024 Vinia Vivar 193 views

Super kilig ang diehard fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa birthday greetings na ipinost ng aktor para sa kanyang one and only Dear Heart partner.

Simple lang ang pagbati ni Gabby sa Megastar sa pagdiriwang nito ng kaarawan kahapon, Jan. 6, pero sapat na ito para magpiyesta ang kanilang fans.

Nag-post ng larawan si Gabby na may nakasulat na “Happy Birthday ‘Dear Heart’ Jan. 6, 2024.”

Sa caption, he wrote, “Happy Bday @reallysharoncuneta” at nilagyan pa niya ng hashtag na #goodvibesonly.

Sa comment section ay nagkagulo ang netizens and fans sa post na ito ni Gabo.

Narito ang ilan lamang sa mga nabasa namin sa sandamakmak na comments:

– This is the greeting we’ve been earnestly waiting for!!! The best!! So heartwarming especially with the BGM. You made our day, @concepciongabby. This is such a joy!! Happy, happy birthday to your one and only Dear Heart!

– omg papa gabby greeted mama @reallysharoncuneta . hays nabuhay muli ang SHAGAB heart ko wahhhh!!!!! plus yung background song pa hayss nakakakilig lang yung lowkey post ni papa G maghihintay akong magkawork pa kayo.

– papaGabs parang birthday din namin dahil umaapaw ang aming saya sa greetings mo na to for mamaSha… ayyiiee… kilig much!!! 1020… basta 58…

– We are so happy! Happy birthday Mega! @reallysharoncuneta

– Nakakaiyak. Tears of joy for these two people epitome of forgiveness. Blessed Birthday @reallysharoncuneta.

– Wow bakit ako naiyak sobrang na touch siguro ako sa birthday greetings ni Gabby kay Mega Sharon love it papa gabs.

– Yung kakaopen mo pa lang ng IG and then saw this. My dear heart is happy too. Still hoping to see the two of you together in a movie or on stage. More projects please. Happy bday to the one & only Mega.

– nakalimutan ko na tampo, galit, selos hahaha buhay na buhay ang kilig ko.

– yung simply greetings lnv pero sabog lahat laman loob nmin papa G.

AUTHOR PROFILE