Aiko Larawan mula sa IG/Aiko Garcia

Surfboard babe

November 25, 2024 People's Tonight 345 views

MUKHANG kailangan na ngang sumakay sa surfboard ng mga netizens ngayon dahil malakas kung rumagasa ang alon ng alindog ng Vivamax actress na si Aiko Garcia sa social media.

Sa Instagram account nga ng sexy star, binaha ng mga kelot ang kanyang isang post matapos ilako nito ang malinamnam niyang katawan.

“She loves playin’ on the surface,” maikling caption ni Aiko.

May angas ang karisma ng hot actress habang naka-pose hawak ang isang surfboard. Suot-suot ang two-piece bikini, huling-huli niya ang kiliti ng mga nasa opposite sex dahil nakadungaw ang ganda ng kurba ng bebot.

Kahit nga nasa dalampasigan lang ng dagat, handang-handang sisirin ng kanyang male fans si Aiko para lang masulyapan ang “kabibe” niyang tinatago.

Loud and proud nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na crush nila ang Vivamax actress. Hinangaan at pinusuan nila ang inihain ni Aiko.

Bukod sa mga bagong pelikula, nakilala rin si Aiko sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Balik Taya (2023), Flirtatious (2023), at Palipat-lipat, papalit-palit (2024).

AUTHOR PROFILE