MAsARAHp
“LEGS legs legs mo ay nakakasilaw, legs legs legs mo ay nakakatunaw.”
Gaya nga ng nabanggit na lyrics sa isang kanta, iyan ang naging atake ng Vivamax actress na si Arah Alonzo sa social media nang mag-post ito ng kanyang nakakasilaw at nakakatunaw na karisma.
Mukhang ganado sa pasarapan ang sexy star sa isa sa kanyang mga Instagram post.
“Having a moment,” sey niya sa caption.
Nasabik at pinanggigilan ng mga barako ang ibinidang nagkikinisang mga binti at seksing wangkata ni Arah sa isang larawan kung saan nakasuot siya ng two-piece bikini habang nasa isang outdoor bed.
Smooth ang patakam niya sa ibinuyangyang na legs kung saan malinaw na malinaw ang kanyang kakinisan at walang bahid ng kadiliman ang balat nito.
Juicy rin ang boobey, lips, at hips ni Arah. Talagang maglalaway ang mga kalahi ni Adan sa ipinakita niyang bersyon ni Eba.
Binaha ng netizens ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng Vivamax actress. Bet na bet nila ang ibinandera niyang killer body.
Nakilala si Arah sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Araro (2023), Sex Games (2023) at Star Dancer (2023).