Asawang pang-isahan
ISANG anghel sa kama na may dalang biyaheng langit na experience ang Vivamax sexy star na si Jenn Rosa
Kung may bakbakan man sa gabi bago matulog, handang-handa na sa labanan ang postura ng nasabing sexy star sa kanyang ibinahaging patakam to the max na video sa Instagram.
Mapapanood si Jenn na todo-awra sa nasabing post suot ang two-piece laced underwear. Mawawalan ng kadalisayan ang kulay nitong puti dahil sa mga makamundong bagay na pumasok sa maruming isipan ng mga barako.
Makamandag ang mga titig ng hot actress sa camera. Nariyan pa ngang hinihila niya ang panty na suot na para bang bet paangatin ang tinatagong sarap ng kanyang pagiging Eba.
Mapapalunok din ng laway at mapapakambyo ang mga kelot sa mapangahas na posisyon ni Jenn sa video na animo’y may sinasakyan sa kanyang mga galaw.
Nagsiliparan nga sa kayang comment section ang mga papuri ng netizens. Nagliyab mula sa fire at hearts emojis ang nasabing post.
Banat pa nga ng isang Ig user, “Kung ganito ba naman asawa mo kaganda, ewan ko na lang kung magloloko ka pa e.”
Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).