Default Thumbnail

Suportahan ang domestic tourism

June 13, 2022 Allan L. Encarnacion 336 views

Allan EncarnacionNAKINABANG din nang husto ang maraming domestic destination dito sa atin dahil sa pagsasara sa turista ng iba’t ibang bansa.

Mahigpit pa ang Japan, ayaw pang magpapasok ng Hong Kong at Macau bagama’t ang Singapore ay nagbukas para sa turismo. Puwede sana sa HK or Macau kaya lang, may 7 days quarantine pa sila kaya walang gustong pumunta. Paano na naman pupunta ng 2 night and 3 days kung 7 days ka mag-quaratine bago papasukin?!

Ang Europe at Amerika naman ay open na rin pero masyado namang malayo at maraming araw ang kailangan para makabiyahe doon.

Talagang sa Asian countries lang ang okey gaya ng Taiwan, Japan, Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam na madaling puntahan. Ang nearest talaga sa atin ay Hong Kong, Macau at Taiwan dahil parehong 2 hours lang ang biyahe.

Nang magluwag ang travel restrictions dito sa atin, ang una kong napuntahan ay Bacolod City bagama’t may anti-gen requirements pa 48 hours bago ang entry nang huli akong magpunta doon. Trabaho din ang biyahe kaya kain-tulog lang ang lakad!

Nitong nakaraang weekend, nakatakas naman ako papuntang Cebu City.

Pang-apat na punta ko na ito sa Cebu pero nitong huling biyahe ko pa lang talaga na-appreciate ang Queen City of the South. Iyong mga unang biyahe ko sa Cebu City ay trabaho rin kaya walang chance mag-ikot.

Ngayon, lahat ng time ay mayroon ako kasi bakasyon talaga plus pinahiram tayo ng van with driver ng kaibigan natin doon na si Jojo A.

Bagama’t marami namang taxi sa Cebu City, iba pa rin ang kilos kapag may sarili kang sasakyan.

From the airport, deretso na ako sa lunch sa Rico’s litson sa Vibo Place courtesy of my friend Trygiv and his staff Gail. Nakalibre na naman ng masarap ng tanghalian!

Pagkatapos kumain, tuloy na kami sa Seda Hotel sa IT Park Ayala Bloc. Ang Seda talaga ay may kalidad na hotel pero hindi mahal. Palagi rin naman ako sa Seda Vertis North sa QC kaya gamay ko na. May maliit silang gym kaya sa 1st morning naka-work out pa ako. The best ang breakfast buffet ng Seda Hotel, Cebu man o Manila.

Iyong dinner pala namin noong Friday night ay sa Tavolata Italian restaurant na fine dining at masarap din ang food!

Kinabukasan, lunch by by the boat. Nagpunta kami sa Port Cordova para sumakay ng motor boat. Doon kami kumain sa gitna ng dagat kaya nakapimili kami ng sea urchin at shell food na parang talaba pero mukha siyang halaan. Baon lang ng kiko man sauce, wasabi

and kalamansi, katalo na!

Papunta sa port, nadaan kami sa Cebu-Cordova bridge na bagong bukas courtesy of Build Buld Build project ng Duterte administration under former DPWH Sec and now Senator-elect Mark Villar. Nakaka-proud lang kasi sobrang ganda ng 8-kilometer bridge na parang Harbour bridge sa Hong Kong patawid ng Kowloon side.

May bagong bukas din Nustar resort & casino kaya nakadaan din kami after dinner sa Tavolata. Grandioso ang Nustar na katapatan ng SM Seaside.

Iyong Saturday night namin, dinner sa AA Bbq na masasarap ang ihaw-ihaw at mura pa. 6 packs kami, may halaan soup, 6 chicken bbq, 5 grilled dried pusit, grilled fresh pusit, kilawing tanigue, grilled tuna panga and belly, ensedalang talong, grilled longganisa, may apat pang beer, P3,900 lang binayaran namin. Naala ko tuloy noong naharang kami sa presyo sa isang paluto restaurant sa Cebu rin, 15 years ago na ata, P14,000 binayaran namin konti lang naman inorder namin.

Sulit sa AA bbq at happy tummy sa sarap ng food.

Natuwa ako at na-appreciate ko ang Cebu City dahil napakaunlad ng lugar. Sobrang dami ng pocket developments na kung Cosmopolitan living ang type mo, mamahalin mo ang lungsod. Parang kahit saan ka tumingin, may mga commercial area ka na mapupuntahan. May high-end, may low-end developments.

Hindi nakapagtataka na No. 1 sa bucket list ng mga foreign at local tourists ang Cebu City dahil abot-kamay mo lahat ang kailangan mo. Dahil sa pagod ng buong maghapon, 9pm pa lang ng Saturday bagsak na sa tulog.

Kinabukasan, matapos ang breakfast buffet sa Seda Hotel. larga na, nakaimpake na para mamili ng dried danggit, pusit and Cebu longganisa. Tig-1/4 kilo lang naman binili ko kaya huwag na kayong manghingi, matikman lang at masubukang mamalengke.

On the way to airport para sa 255pm flight, dumaan kami sa Conching’s na native inihaw na manok. Masarap din at mura, dami naming inorder, parang P2,900 lang binayaran namin for 5pax.

Deretso na sa airport after early lunch kaya nakita natin ang magandang Mactan International Airport. Doon ko lang nalaman na walang arrival sa bagong airport, puro departure lang kaya walang congestion kahit magbalik ang peak ng mga turista. Doon pala sa lumang airport ang lahat ng arrivals.

Itong weekend na darating, biyahe naman kami sa La Union para masubukan namang mag-surf gamit ang batya mo neneng!

Suportahan natin ang domestic tourism habang wala pang chance na makapag-abroad para matulungan natin ang paglago ng sarili nating ekonomiya at mabigyan ng maraming trabaho ang ating mga kababayan.

Sabi nga ni Sharon, tara, biyahe tayo!

[email protected]