Fire

Sunog sa Iloilo 2 patay

February 19, 2024 Zaida I. Delos Reyes 268 views

DALAWA ang namatay sa sunog na tumupok sa isang bahay at anim na boarding house noong Linggo sa San Nicolas, La Paz district, Iloilo City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Lyn Rose Sobretodo, call center agent, 26, at Renz David Aguilar, 22, civil engineering student na pawang nanunuluyan sa boarding house.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-4:15 ng hapon at mabilis na kumalas sa magkakalapit na bahay sa lugar. Umabot sa P2.1 milyon na halaga ng ari-arian ang nasunog at 173 katao ang nawalan ng tirahan.

Posibleng tulog ang mga biktima nang maganap ang sunog kaya’t hindi nakalabas ang mga ito, ayon sa BFP.

Sa pagsisiyasat ng Iloilo City Business Permit and Licensing Division, napag-alaman na dalawa sa mga nasunog na boarding house ang hindi nakapag-renew ng permit at walang mga records ang apat pa na nasunog.