PCO

Community Caravan umarangkada sa Tacloban

February 19, 2024 Chona Yu 113 views

UMABO na sa Visayas State University sa Tacloban City ang Community Caravan ng Presidential Communications Office.

Ayon sa PCO, programa ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangontra sa paggakalat ng mga pekengn balita at disinformation.

Sinabi naman ni Industrial Arts student Benjamin Mendoba Jr. na malaking tulong at dinala ng PCO sa Tacloban ang Community CAravam.

“Maganda ang event na ito kasi for us nakakadagdag ng social interaction sa ibang students, sa ibang organizations at mas nabo-boost ang aming interaction,” pahayag ni Mendoba.

“Nakakuha kami ng mga pwede naming mabasa about sa government and then pwede na rin naming magamit sa aming course … masaya parang new din na mayroong ganitong event,” dagdag ni Mendoba.

Sa panig ni Technical Vocational Teacher Education student Gayle Abarquez sinabi nito na patunay na pursigido ang administrasyon sa paglaban sa mga maling impormasyon.

“Masayang tingnan and nakaka-enjoy din po kasi marami kaming pwedeng puntahan dito. Nakikita ko mayroon ditong parang radio station, television, parang halos lahat andito,” pahayag ni Abarquez.

“Malaking tulong siya sa mga estudyanteng gustong maging – magbalita and hindi lang sa radio pwede makita ang isang student saka ‘yung skills, pwede rin niyang magamit in the future kung gusto n’ya pong maging broadcaster,” dagdag ni Abarquez.

Magsasagawa rin ang PCO ng Community Caravan sa Leyte Normal University.

AUTHOR PROFILE