Sta Mesa MWP timbog ng MPD sa kasong murder

May 1, 2022 Jonjon Reyes 188 views

ISANG most wanted person dahil sa kasong pagpatay ang inaresto makaraang silbihan ng arrest warrant ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section at ng Station Anti- Drug Enforcement Unit ng MPD- Station 8 Sabado ng gabi sa Malate, Manila.

Kinilala ni P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang suspek na si Jayson Dela Cruz, residente ng 2389 Arellano St., Singalong , Malate.

Batay sa ulat ni Police Lt. Col.Dionelle Brannon, hepe ng MPD – Sta.Mesa Police Station 8 ,pasado alas 7:15 p.m. nang isilbk ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Roy Gironella, ng Branch 43 ng Manila Regional Trial Court laban sa suspek.

Si Dela Cruz ay No. 1most wanted suspek sa station at di pinayagang makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE