Mikee

Sportscaster ‘Tito’ Mikee Reyes provides shoes for barefoot marathoners

August 5, 2023 People's Tonight 507 views

Ang dating manlalaro ng basketball at kasalukuyang sportscaster ng “Frontline Pilipinas” na si “Tito” Mikee Reyes ay lubos na naantig sa kuwento ng dalawang atletang nagsanay nang walang sapatos para sa Palarong Pambansa marathon.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Tito Mikee kung paano niya sinamahan si “Shane” sa isang mall upang bilhan ng sapatos. Sinabi rin niya na bibilhan niya ng sapatos ang kalaban ni Shane na si “Jacky Rose.”

Napukaw ang damdamin ni Reyes sa sipag at dedikasyon ng dalawang batang atleta sa kanilang pagtakbo.

Naniniwala siya na maaaring maging kinatawan ng Pilipinas sa mga susunod na SEA Games o maging sa Olympics sina Shane at Jacky Rose.

“Sobra akong naantig sa kanilang mga kuwento noong ni-report ko ito kahapon sa Frontline [Pilipinas], kaya mas lalo akong ginanahan na magsipag. Kaya ang gastos ko ngayon, ay para muna sa kanila,” sabi ni Mikee.

Ang TikTok video ay umani ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

AUTHOR PROFILE