
Speaker Romualdez, Tingog namahagi ng isda, bigas sa mahihirap na pamilya sa Caloocan
NAMIGAY ng isda at bigas ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list na pinamumunuan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez katuwang si Rep. Mitch Cajayon-Uy sa Caloocan City.
Nasa 2,000 mahihirap na pamilya ang naabutan ng tulong sa ilalim ng programang tinawag na “Tingog ISDA Best.”
Layunin ng programa na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nangangailangan.
Ang ipinamigay na mackerel ay kinuha sa Palawan.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Rep. Yedda ang kahalagahan na magtulungan ang mga mahihirap na komunidad at maisabay ang mga ito sa pag-unlad ng bansa.
“Naniniwala kami na ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa sama-sama at sabay-sabay na pagunlad ng mga mamamayan nito. Kaya laging first priority ng Tingog ang magserbisyo sa mga marginalized at vulnerable communities,” ani Rep. Yedda.
Sumali rin si Rep. Yedda sa tradisyonal na boodle fight.
Dumalo rin sa event ang comedy star na si Giselle Sanchez, at mga kapitan ng barangay sa ikalawang distrito ng Caloocan.