
TAGUIG: DI NA NEED NG WRIT
Final SC ruling self-executing, di na need ng writ of execution
NANINDIGAN ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig.
Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan
Sa isang statement, iginiit ng Taguig LGU na ang inilabas na opinyon ng OCA ay hindi maaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.
“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig. SC itself doesn’t issue opinions. In fact, SC simply noted a similar query from DILG,” saad ng Taguig LGU.
Taliwas din umano ang opinion ng OCA sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.
Tinukoy din ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte vs Province of Quezon. Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nasasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon.
Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas
“Taguig shall pursue all legal remedies against those who act to frustrate, obstruct, delay, or defy and contribute to or abet the defiance or delay in the implementation of the Supreme Court’s Decision,” saad sa inilabas na statement ng Taguig
Matatandaan na nanindigan ang mga mahistrado ng Korte Suprema na ang Parcel 3 at 4 sa PSU 2031 na kinabibilangan ng 10 barangay ay nasa legal na hurisdksyon ng Taguig base na rin sa iprinisintang historical, documentary at testimonial evidences.