Garin

Solons kay Duterte: PBBM make trabaho, di make pasyal

March 14, 2024 People's Tonight 83 views

IDINIEPENSA ng mga kinatawan ng Kamara de Representantes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na naglalakwatsa lamang ito sa ibang bansa.

Ayon sa mga kongresista, pumupunta sa ibang bansa si Pangulong Marcos upang maitulak ang interes ng bansa.

Sa isang pulong balitaan sa Kamara de Representantes, kapwa binigyang diin nina House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin at AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang kahalagahan ng pagpapatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at makahikayat ng pamumuhunan na siyang pangunahing dahilan ng pagpunta ng Pangulo sa ibang bansa.

Iginiit ni Garin na dahil sa globalisasyon ay kailangan ang ginagawang pagbisita ng Pangulo sa ibang bansa.

“Ang globalization ngayon is not a desire. It’s already a need,” sabi ni Garin.

“If you don’t liaise and talk to other countries, if you don’t partner and foster relationship with other countries, mas lalo kang maiiwan,” saad pa ni Garin.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na namamasyal at nagpapasarap lamang si Pangulong Marcos sa mga biyahe nito sa ibang bansa.

“I believe maybe it was a joke out of the former President’s mouth or if he was serious maybe it’s a political statement. I think politics should be left behind for the moment,” ani Garin.

Umapela naman si Garin na gawing patas at balanse ang pagtingin at isaalang-alang ang mga hamon na kinakaharap ng lider ng bansa.

“Madali lang kasi magbintang at mahirap na palaging sumasagot ‘yung nakasabak sa trabaho,” punto pa ng lady solon.

Dagdag pa ni Garin maraming responsibilidad na kailangan pagsabayin ng mga lider ng bansa.

“On one side, you will have all the time to criticize the current administration. On the other side naman, itong mga [nasa kasalukuyang] administrasyon kaysa gugulin mo or ubusin mo ‘yung panahon mo para sagutin ito, mas gugustuhin mong magtrabaho na lang ng magtrabaho,” paliwanag pa ng mambabatas.

Sinabi naman ni Reyes na bilang Pangulo si Marcos ang nagsisilbing ‘chief salesman’ ng bansa.

“Our President serves as our chief salesman. He is the face of the country and should demonstrate that we are ready to engage and coordinate with our [other] countries,” sabi ni Reyes.

Ang kailangan umanong gawin ay suportahan si Pangulong Marcos upang maibenta nito ang Pilipinas sa mga mamumuhunan.

“We support him to ensure that our product, which is the Philippines, is presented in the best possible light,” giit pa ni Reyes.

“In all the trips that our beloved President embarks on, there is always a warm reception not only from the Filipino community there but also from their dignitaries and counterpart government officials,” dagdag pa nito.

Dahil sa maayos na pakikisalamuha ni Pangulong Marcos, sinabi ni Reyes na mainit ang nagiging pagtanggap dito sa mga bansa na kanyang pinupuntahan.

“When they go there, there’s always a smile, always pleasant, and a firm handshake,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE