
Smooth like honey
POWERFUL ang awrahan ng Vivamax actress na si Denise Esteban sa kanyang postura mula sa larawang ibinida niya sa kanyang Instagram page.
Mala-honey nga ang pagka-smooth at golden ng kanyang balat na tila mae-enjoy papakin ng mga barako.
Nanlalamon ng atensyon ang pose ng sexy star kung saan kilikili pa lang ay ulam na sa pagtaas niya ng kamay sa nasabing post. May linamnam na dala ang kanyang fierce kung fierce na facial expression.
Makikita si Denise na may angas kung sumalampak sa sahig suot-suot ang kanyang sexy outfit.
Maaaninag ang magandang kurba ng kanyang katawan at matatanaw sa malapitan ang kakinisan ng kanyang legs.
Namukadkad ang mga nalalantang libido ng mga kalahi ni Adan dahil kahit sa larawan ay tagos ang halimuyak ng bulaklak ni Denise.
Walang pagdadalawang-isip na pinusuan ng netizens ang post ng Vivamax actress.
Naging pamilyar ang publiko kay Denise dahil sa kanyang mga pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kara Krus (2022), High (School) On Sex (2022), Halo-Halo X (2023), at Star Dancer (2023).