Ayanna Larawan mula sa IG/Ayanna Misola

Dahon-dahon lang

February 5, 2025 People's Tonight 169 views

SIGURADONG mapapakanta ng sikat na lyrics na “oh, dahan-dahan lang, dahan-dahan lang” ang kanyang social media followers sa walang habas na pagpapainit gamit ang kanyang magandang katawan ng Vivamax actress na si Ayanna Misola.

Walang kalmahan pagdating sa awrahan sa mga photo shoot ang sexy star. Sa isa nga sa kanyang Instagram post napa-throwback si Ayanna para sa kanyang paboritong larawan.

Kapansin-pansin ang mala-dyosang ganda ng hot actress. Kabogera ang makeup at fierce na fierce niyang look sa larawan.

Grabe rin kung makatitig ang bebot, kahit na sinong barako ay paniguradong sapul ang atensyon kapag napadaan sa kanyang mga post.

Kung sa face ay petmalu si Ayanna, sa body ay malakas ang buga ng kanyang hotness.

Ang tanging tumatakip sa kanyang dyoga ay mga dahon. Juicy at meaty pa rin ang kanyang mga alaga kung tatanawin sa post kahit na dahon-dahon lang ang atake ng hot actress.

“Gusto ko bigla maging dahon,” saad ng isa niyang follower.

“Kakain na talaga ako ng pechay,” banat pa ng isang netizen.

Maganda rin ang hubog ni Ayanna sa larawan. Masisipat ang toned body niyang suking lasapin ng mga barako sa kanilang pantasya.

Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Ayanna, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.

Bukod sa mga bagong pelikula o palabas, nakilala rin si Ayanna sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bula (2022), Two Weeks, End (2022) at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (2022).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar