
Hottie Roxie
DINALA ni Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith ang kanyang naglalagablab na kaseksihan sa Cebu.
Sey ng netizens, grabehan kung magpasabog ng kagandahan at hotness ang beauty queen-actress sa isang Instagram post nito.
Pinatunayan ngang muli ni Roxie na isa siyang “ultimate beach babe” mula sa mga bikini photos na ibinahagi nito.
Mala-anghel man ang kariktan ng bebot, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang two-piece bikini habang nakaluhod sa buhanginan sa dalampasigan ng dagat.
Talagang walang aayaw sa perpektong kurba ng beauty queen-actress. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage niya sa larawan.
Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na para bang may pang-aakit na dala-dala ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.
Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.