Jacklyn1

Showbiz nagluksa sa pagpanaw ni Jaclyn

March 4, 2024 Jun Nardo 121 views

SA pelikulang Chicas namin unang nakilala si Jaclyn Jose (una niyang screen name) noong taong 1984 na dinirek ni William Pascual.

Nakasama niya sina Tanya Gomez, Lovey Rivero at Rey Abellana.

Sa sexy films unang nagsimula sa movies si Jaclyn. Hanggang sa nabigyan siya ng magagandang sexy films like Private Show at iba pa.

From there, nagsunud-sunod na ang recognition sa kanya bilang magaling na aktres.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng best actress sa prestigious Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’Rosa.

Sa isang iglap, pumanaw si Jaclyn nu’ng Sabado.

Sa post ni Manay Lolit Solis, nadulas at nabagok umano si Jaclyn na nag-iisa sa condo.

Wala na nga ang aktres na ginagaya ng mga bading ang style ng pag-arte.

Simpleng umarte pero tumatagos sa puso.

Wala pang detalye sa wake ni Jaclyn pero maraming showbiz personalities na nakasama niya sa trabaho ang labis na nalulungkot sa pagpanaw niya.

Rest in peace, Jaclyn… (Taus-pusong nakikiramay ang People’s Tonight sa mga naulila ng aktres — IFF)

AUTHOR PROFILE