Sheryn

Sheryn nagbalik-showbiz matapos makipaghiwalay sa mister

December 8, 2021 Aster Amoyo 737 views

TAONG 2010 nang mag-migrate sa Amerika (Texas) ang mag-asawang Sheryn Regis at Earl Vincent Echiverri at ang kanilang kai-isang anak na si Sweety (Lourdes), now 18 years old. But just like any other couples, nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama and the singer-composer and part-time actress decided to return to the Philippines nung nakaraang taon upang ipagpatuloy ang kanyang naputol na singing career dito.

Si Sheryn (42) ay naging runner-up ni Erik Santos sa reality singing competition ng ABS-CBN, ang “Search for A Star In A Million” in 2003 at ‘yun ang naging simula ng kanyang singing career.

She was signed up by Star Records (now Star Music) at Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN. Tinagurian siyang `Theme Song Diva” dahil siya ang umawit ng theme songs ng ilang TV series ng Kapamilya network tulad ng “Marina,” “Krystala,” “Gulong ng Palad,” “Prinsesa ng Banyera,” “Maria Flordeluna” at iba pa maging sa theme songs ng ilang pelikula tulad ng

“Sana Maulit Muli,” “Temptation of A Wife,” “Nasaan ka, Maruja,” “Maging Sino Ka Man” among others. Kumanta rin siya ng ilang commercial jingles at kasama na rito ang Silver Swan at Eden Cheese.

Sheryn is now open sa kanyang pakikipagrelasyon sa isang miyembro ng LGBT community, ang kilalang YouTuber na si Mel de Guia at kung pagbabasehan ang kanilang photos on Instagram, mukhang masaya ang dalawa.

Ngayong nakabalik na sa Pilipinas si Sheryn, she’s making her showbiz comeback. She was dubbed before as The Crystal Voice of Asia and Shining Diva dahil sa kanyang powerful voice.

Unang mainstream movie ni Direk Brillante, aabangan

TIYAK na aabangan at pag-uusapan ang kauna-unahang film project ng Cannes Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza sa bakuran Viva Films kapag nagsimula nang mapanood on Vivamax streaming app ang pelikulang “Palitan” na tinatampukan ng mga baguhang sexy actors na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Rash Flores.

Ang “Palitan” ay hindi lamang first film project ni Direk Brillante sa Viva, first LGBT project din niya ito. Unang proyekto din niya ito on mainstream.

In fairness kahit mga baguhan pa lamang sina Jela, Cara, Luis at Rash ay kinakitaan na agad ang apat ng husay sa pag-arte, very raw at natural silang apat umarte. Bumilib din kami sa apat sa pagiging matapang nila sa paghuhubad maging sa kanilang mga daring scenes.

Sina Jela at Cara ay kaya nang makipagsabayan sa mga sexy actresses sa bakuran ng Viva na pinangungunahan ni AJ Raval habang sina Luis at Rash ay puwede na ring makipag-kumpetensya sa mga sexy actors ng kumpanya na pinaghaharian ni Sean de Guzman.

Ang “Palitan” ay mula sa panulat ng award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio na kilala sa kanyang mga internationally-acclaimed screenplays tulad ng “Taklub” na nakatanggap ng Prize of the Ecumenical Jury Award sa 2015 Cannes Film Festival at “Mindanao” na nanalo ng dalawang awards mula sa 41st Cairo International Film Festival. Ang nasabing pelikula ay mapapanood na on Vivamax simula ngayong Biyernes, December 10.

Rhen nailang sa lesbian leading ‘man’ sa umpisa

MATAPOS mapanood ang mahusay na actress na si Rhen Escano sa mga pelikulang “Adan,” “Untrue,” “The Other Wife” and “Paraluman,” nagbabalik siya sa isang kakaibang pelikula, ang “Lulu” mula sa panulat at direksiyon ng award-winning writer-director na si Sigrid Andrea Bernardo of “Kita Kita” fame.

Sa pelikulang “Lulu” ay katambal ni Rhen ang newbie actor na si Rita Martinez, isa sa finalists ng The Voice Philippines – Season 2 na nagpakita rin ng husay sa pag-arte considering na first movie pa lamang niya ito.

Ayon kay Direk Sigrid, nagsagawa umano sila ng audition for the role of Abi at agad pumasa si Rita with flying colors. Bago nagsimula ang lock-in shoot ng pelikula ay sumailalim si Rita sa ten-day workshop at hindi naman nabigo ang lady director sa kanyang expectation sa singer-turned actor.

Second time naman nakatrabaho ni Direk Sigrid si Rhen na una niyang naidirek sa pelikulang “Untrue” na pinagbidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim and where Rhen got her nomination bilang best supporting actress mula sa FAMAS awards.

Inamin ni Rhen na nung simula ay nagkaroon umano siya ng agam-agam na makatrabaho si Rita pero nang magsimula na silang magka-eksena ay nawala umano ang kanyang doubts dahil bukod sa mahusay si Rita for a first time actor, magaling itong makisama sa lahat kaya naging kumportable na agad sila sa isa’t isa. Ayon kay Rhen, kinilig umano siya nang mapanood niya ang trailer ng movie for the first time. Ito bale ang kanilang first romance-comedy movie na nagawa lalupa’t identified umano siya sa mga drama with suspense movies.

Tiyak na maiibigan ng LGBT community ang “Lulu” na isang girls’ love movie.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE