Default Thumbnail

Senglot na rider nakaiwas sa aso hindi sa kamatayan

April 20, 2024 Jojo C. Magsombol 58 views

DEDO kamakalawa ang senglot na rider na sumemplang dahil iniwasang makabundol ng aso sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang namatay na si Albert Alpahando Balaba, 42, ng Santa Ana, Calatagan, Batangas.

Galing sa tomaan ang biktima bandang alas-5:30 ng hapon sa Brgy. Silang ng patakbuhin ang kanyang Yamaha Mio pero biglang sumulpot ang isang asong gala.

Biglang nagpreno si Alpahando para hindi mabundol ang aso pero dahil sobrang senglot nawalan siya ng kontrol at balanse sa manibela kaya dire-diretsong nahulog at lumagapak ang ulo sa kalsada.

Ayon kay Dr. Robert John Turno, nagtamo si Alpahando ng matinding sugat sa ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

AUTHOR PROFILE