Binoe

Sen. Robin Hood sa WPS issue: Hanapbuhay hindi hanap away

July 28, 2022 PS Jun M. Sarmiento 428 views

IGINIIT NI Sen. Robinhood Padilla Hiwebes ang pagsusulong para sa Joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag–agawan teritoryo sa West Philippine Sea. (WPS).

Sa panayam ng mga mamamahayag sa bagitong senador, sinabi ni Padilla na hindi ito ang tamang panahon para sa katapangan kung kumakalat naman umano ang sikmura ng marami nating kababayan.

“Hanapbuhay po ang kailangan natin at hindi hanap away,” diin ni Padilla.

Pinaliwanag pa ng senador na ang kasalukuyan sitwasyon ng mga Pilipino kung saan ay nahaharap ang bansa sa matinding pagsubok dulot ng pandemya at iba’t ibang kadahilanan ay dapat aniya gamitan ng praktikal na pamamaraan upang matulungan ang higit na nakararami.

Sinabi pa ni Padilla na imbes na away ay dapat isulong ng ating bansa ang posibleng Joint exploration sa West Philippine sa pagitan ng China at Pilipinas para sa kapakinabangan ng parehong bansa.

Ipinaliwanag niya na China lamang sa kasalukuyan ang mga kakayahan, equipment at kasanayan sa pag butas ng posibleng pag kunan ng langis.

Sinabi rin niya na hindi siya naniniwalang pababayaan ng ating Armed Forces of the Philippines partikular ang Philippine Navy na agawin ng sinuman banyaga ang ating mga pag aari.

Ayon kay Padilla, nakita niya mismo at dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang pagtatanggol para sa ating bansa kung kaya’t Impossible aniyang mangyari ang ganitong posibilidad.

Pinapurihan din niya si Pangulong Marcos jr., dahil sa matigas nitong posisyon na hindi papayagan sa ilalim ng kanyang pakpak ang anumang pang aagaw ng sinuman bansa sa ating mga pag-aari bagamat hindi aniya ito magtutuon sa pakikipag away kaninuman.