Posas

Selosong lalaki dinedo ng gf sa harap ng anak

February 11, 2024 Melnie Ragasa-limena 100 views

ARESTADO ang ginang noong Sabado na nakapatay sa kanyang kinakasama habang nag-aaway dahil umano sa relasyon ng suspek sa ibang lalaki.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang 49-anyos na ginang na tinuturong sumaksak sa 63-anyos na biktima.

Ayon sa report, nangyari ang insidente alas-11:00 ng gabi sa bahay ng mag live-in sa Brgy. Payatas-B, Quezon City.

Nagtatalo ang suspek at biktima dahil nabisto ng biktima ang pakikipagrelasyon ng suspek sa ibang lalaki.

Dahil sa galit nasaktan umano ng biktima ang suspek pero nakakuha ng patalim sa kusina ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib.

Nasaksihan umano ng kanilang anak ang pananaksak kaya dinala ang kaniyang ama sa Maclang Hospital kung saan idineklara itong dead-on-arrival.