Pic

Second year ng MIFF nairaos na pero marami ang na-disappoint

March 9, 2025 Aster Amoyo 366 views

Pic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6Pic7Pic8Pic9Pic10NAIRAOS na ang ikalawang taon ng Manila International Film Festival (MIFF) in cooperation with the Metro Manila Film Festival (in the Philippines) from March 4 – 7, 2025 na ang culmination ay isang gala and awards night na ginanap last Saturday, March 8 ng gabi sa Beverly Hilton in Beverly Hills, Los Angeles, California with the Philippines’ First Lady, Atty. Liza Araneta Marcos as the special guest of honor.

Although dumating ang actor na si Piolo Pascual during the screening ng pelikulang “The Kingdom” na tinampukan nila ni Vic Sotto at iba at dinirek ni Michael Tuviera na ipinalabas sa TCL Chinese Theatre in Hollywood, agad din itong bumalik ng Pilipinas for other commitments kaya hindi na siya nakadalo sa gala night pero naroon ang isa sa cast na si Cedric Juan.

Bukod kay FL Liza Marcos, dumalo sa awards night sina Dingdong Dantes, ang lead stars ng pelikulang “My Future You” na sina Francine Diaz at Seth Fedelin kasama ang lady producer ng Regal Entertainment na si Roselle Monteverde, ang “Espantaho” producer na si Atty. Joji Alonzo kasama ang dalawa sa cast ng pelikula na sina Lorna Tolentino at Janice de Belen, sina Ruru Madrid at Sofia Pablo para sa pelikulang “Green Bones” . Naroon din ang actress-producer na si Sylvia Sanchez kasama ang anak na si Arjo Atayde na siyang bida ng action-drama movie na “Topakk”kasama ang misis nitong si Maine Mendoza at actor na si Enchong Dee. Namataan din doon si Senate President Chiz Escudero, Jervi Wrightson na mas kilala as KaladKaren, ang magkasintahang Harlene Bautista at Federico Moreno, John Arcilla (kahit wala itong movie entry).

Athough namataan doon ang rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, hindi sila nakita sa gala night. Dumating doon earlier ang dalawa to promote their first movie together bilang magkapareha, ang “My Love will Make You Disappear”. Kailangan ding bumalik agad ng Pilipinas ang dalawa to promote their movie sa iba’t ibang key cities ng Pilipinas including Cebu and Gen. Santos City. Pero babalik din umano ang dalawa ng Amerika in time for the screening ng kanilang pelikula sa USA on March 28.

Dumalo rin ang MOWELFUND chairman at isa sa mga top executives ng Metro Manila Film Festival na si Boots Anson Roa-Rodrigo bilang isa sa mga recipients ng Lifetime Achievement Awards which include Stars for all Seasons Vilma Santos, National Artist for Broadcast and Film na si Ricky Lee at ang yumaong Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde whose award was received by her daughter at siyang namamahala ngayon ng Regal Entertainment na si Roselle Monteverde. Parehong hindi nakarating sina Vilma Santos-Recto at Ricky Lee na parehong may previous commiments sa Pilipinas.

Marami ring L.A.-based celebrities ang nakarating sa gala night ng MIFF tulad nina Apl.de.Ap, Pinky de Leon, G. Toengi, Bunny Paras, Gigi Garcia at iba pa.

Kapansin-pansin na wala ang logo sa lahat ng backdrop ng Manila International Film Festival pero dumalo ang MMDA acting chairman at Metro Manila Film Festival Chairman na si Atty. Don Artes at si Atty. Rochelle Ona.

Out of the ten official entries ng 50th Metro Manila Film Festival (2024), nag-withdraw umano ang “Uninvited” nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre maging ang musical movie na “Ang Himala” na pinagbidahan ni Aicelle Santos kaya hindi na-screen ang dalawang nabanggit na pelikula.

Sobra umanong disappointed ang mga tahaganga ng Star for All Seasons sa Amerika dahil marami umano sa kanila ang bumili ng tickets online at nagpa-book na rin ng hotel na kanilang tutuluyan only to find out na wala naman pala si Vi. They demanded that their tickets be refunded dahil hindi naman ipinalabas ang pelikulang pinagbidahan nina Vilma, Aga at Nadine.

Tickets to the movie screenings were sold at $12.50 (50% drop after one of two days) habang $250/ person naman sa gala night which was earlier announced na ito’y sold-out umano.

Marami ang nagtaka kung bakit umano napasali sa MIFF ang pelikulang “Song of the Fireflies” considering na hindi ito kasama sa sampung official entries ng Metro Manila Film Festival sa Pilipinas. Tampok sa nasabing pelkula ang singer-turned actress (in her acting debut) na si Morissette Amon, singer-actress Rachel Alejandro, Noel Comia, Jr. at Chai Fonacier. Si Morissette ang tinanghal na Best Actress, Rachel at Best Supporting Actress habang Best Supporting Actor naman si Noel Comia.

Si Seth Fedelin ng”My Future You” ang tinanghal na Best Actor habang ang director ng pelikula na si Crisanto Aquino ang tinanghal na Best Director.

Marami umano sa mga dumalo sa MIFF mula sa Pilipinas ang na-disappoint sa naging resulta ng awards night.

Kung tila na-snub ng MIFF jurors ang husay na ipinakita ni Judy Ann Santos sa pelikulang “Espantaho,” bumawi naman siya Fantasporo Film Festival in Portugal where she was chosen as Best Actress.

Napag-alaman din namin na libre ang screening ng pelikulang “Green Bones” ng GMA Pictures and GMA Public Awards na pinagbidahan nina Dennis Trillo and Ruru Madrid. Bakit kaya? Ito lamang ang bukod tanging pelikula which was screened for free.

Samantala, after the gala awards ng MIFF, isang libreng concert naman ang ibinigay ng MMDA sa tulong ng GF Bayona Productions, ang “Konsyerto Para Sa Pilipino (A Free Concert for Filipino Community in America). The free concert was presented by MMDA, MMFF, Bagong Pilipinas, CineGang at Philippine Consulate General in Los Angeles, California.

Bukod sa mga celebrities na dumalo sa MIFF, ang mga performers include John Arcilla, Jaya, Joey Albert at iba pa.

Xxxxxxxx

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE