Matteo

Sarah at Matteo muling magtatambal sa pelikula

December 23, 2023 Aster Amoyo 257 views

Matteo1TIYAK na magbubunyi ang mga fans and followers ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil magtatambal ang dalawa isa isang pelikula sa bakuran ng Viva Films kung saan sila parehong nakakontrata.

Sina Sarah at Matteo ay nagkasama na sa pelikula nung 2011 sa movie na “Catch Me I’m In Love” na pinagtambalan ng Popstar Royalty at ng dati ring rumored boyfriend noon na si Gerald Anderson na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar at joint production ng Star Cinema at Viva Films. Si Matteo ang gumanap as third wheel sa characters na ginampanan nina Sarah at Gerald.

Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil hindi nagpatuloy ang pag-iibigan noon nina Sarah at Gerald at si Matteo ang nakatuluyan ng Pop Star and that was 12 years ago.

Ang mag-asawang Sarah at Matteo ay magsasama sa Philippine adaptation ng 2015 Korean hit romantic-comedy film na “Wonderful Nightmare” na nakatakdang ipalabas sa unang quarter ng taong 2024.

Ang pelikula ng celebrity couple ay among the major movies ng Viva na dapat abangan ng mga manonood sa pagpasok ng Bagong Taon na sisimulan ng unang tambalan nina Empoy Marquez at Kim Molina sa pelikulang “My ZomBabe” on January 8, 2024.

Kasama sa aabangan sa 2024 ang balik-tambalan sa pelikula ng dating magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia, ang directorial debut ng Kapuso prized actor na si Alden Richards sa pelikulang “Out of Order” na pinagbibidahan ni Heaven Peralejo, ang “Road Trip” ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama ang mga kaibigang Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, ang last movie na ginawa ng namayapang actor na si Ronaldo Valdez, ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” na pinagbibidahan nina Janno Gibbs at nagbabalik na si Xia Vigor at siyang directorial debut ni Janno, ang “My Sassy Girl” na pinagtatambalan sa unang pagkakataon nina Toni Gonzaga at Pepe Herrerra, ang unang tambalan nina Aga Muhlach at Julia Barretto in “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko,” ang “Elevator” na unang tambalan nina Paulo Avelino at Kylie Versoza at iba pang pelikula na naka-line up for showing sa first quarter of 2024.

Ang Viva ay may entry sa 49th Metro Manila Film Festival, ang modern version ng classic super hero na “Penduko” na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli in his first lead role.

GMA nagpalit ng pamunuan

GozonON his 84th birthday, Atty. Felipe L. Gozon (FLG) announced that he’s stepping down as Chief Operating Officer (CEO) of the country’s largest TV network, GMA effective December 31, 2023. He was replaced by Gilberto `Jimmy’ R. Duavit, Jr. who is currently the President and COO of the company but FLG will remain as the Chairman of the Board.

Sa pagbaba ni Atty. Gozon bilang Chief Operating Officer (CEO), tiyak na magkakaroon din ng movement among the current management team and Board Members na kinabibilangan din nina Joel Marcelo G. Jimenez, Felipe S. Gozon, Atty. Anna Teresa (Annette) Gozon-Valdes, Judith R. Duavit-Vasquez, Laura J. Westfall at iba pa.

At this stage of his life and career and being a proud father to his three children – Annette, Philip and Maritess and eight grandchildren, gustong ilaan ni FLG ang mas maraming oras sa kanyang pamilya – his wife Teresa `Tessie’ Gozon, his children and grandchildren.

Sa pamumuno ni FLG ng GMA and other allied companies ay narating ng kumpanya ang pagiging leading major network ng company sa buong bansa.

Ama ng anak ni Jobelle, di nakadalo sa graduation ng anak

picHINDI personal na nakadalo sa kanyang graduataion ang biological father ni Julina Salvador na si Kurita san, ang successful restaurateur in Japan na siyang may-ari ng Botejyu chain of restaurants na tangan sa Pilipinas ng Viva Foods International.

Si Julina ay second child ng Las Vegas, Nevada, USA-based actress na si Jobelle Salvador na nagtapos ng double degree in International Business and Marketing sa University of Nevada in Las Vegas kamakailan lamang. Ang panganay na anak ni Jobelle ay si Miko Salvador na anak naman ng actress sa dating TV broadcast journalist na si Erik Espina. Si Miko ay napabalita noon na anak umano ni Jobelle sa action star-turned senator na si Robin Padilla but it turned out na si Erik Espina ang biological father nito.

Si Miko ay may two-year-old son sa kanyang American ex-girlfriend na inaalagaan ngayon ni Jobelle.

Samantala, bukas pa rin si Jobelle sa kanyang acting career sa Pilipinas. Sa tuwing may offer siya ay bumabalik siya ng bansa where she maintains her own condo unit in BGC. Every once in a while ay nagtutungo rin siya ng Tokyo, Japan where she also owns a condo unit in Roppongi, Tokyo.

Si Jobelle ay nagmula sa royalty family ng Salvador clan in showbiz. Siya’y isa sa mga anak ng yumaong actor, director at producer na si Leroy Salvador, Jr. Half-sister naman niya ang veteran actress na si Deborah Sun. Uncle ni Jobelle ang veteran actor na si Phillip Salvador habang pinsan naman niya si Maja Salvador at pamangkin sa pinsan naman si Janelle Salvador, ang pinakabagong Salvador na nasa showbiz.

Mga ,malulungkot na pangyayari ng 2023

KathnielValdezALTHOUGH maraming masasayang happenings sa showbiz itong taong magtatapos, marami ring malulungkot na pangyayari ngayong 2023 at kasama na rito ang maraming showbiz break-ups at pagpanaw ng mga kilalang personalidad.

Ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nanguna sa maraming break-ups this year kung saan kasama rin ang dating magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache, Kim Chiu at Xian Lim, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at iba pa.

Ang veteran actor na si Ronaldo Valdez ang pinahuling yumao sa taong ito. Pumanaw na rin ang actor, director at producer na si Jun Urbano, ang veteran actress na si Angie Ferro, ang veteran radio and TV journalist na si Mike Enriquez, ang veteran DJ na si Jose `DJ Richard’ Enriquez, ang veteran entertainment TV journalist na si Mario Dumaual, ang veteran entertainment writer na si Manay Ethel Ramos, and entertainment columnist na si Leo Bukas, ang actor na si John Regala, ang dating actress na si Angela Perez, ang veteran journalist na si Conrad de Quiros at iba.

Sa taong ding ito pumanaw ang ibang kilalang personalidad tulad ni Martin Dino, ama ng dating FDCP chairperson na si Liza Dino, ang Cabinet Secretary na si Toots Ople, ang dating MMDA chairman at politician na si Bayani Fernando, ang dating AFP head and former senator na si Rodolfo Biazon, among others. Pumanaw na rin ang Hollywood actor na si Ryan O’Neal ng “Love Story” and “Paper Moon.”

Maging ang kahuli-hulihang elepante ng Manila Zoo na si Mali ay wala na rin

Sa kabila nito, looking forward pa rin ang lahat sa Bagong Taong papasok, ang 2024.

Ogie, Regine nag-celebrate ng 13th anniversary

RegineRegine1CELEBRITY couple Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid celebrated their 13th wedding anniversary recently in the presence of their respective families and close friends. Ang mag-asawa ay ikinasal nung December 22, 2010 sa Terrazas de Punta Fuego in Nasugbu, Batangas and a year later ay nabiyayaan sila ng isang anak, si Nate now 12 years old.

Ogie was previously married to Australian beauty queen-actress-host na si Michelle van Eimeren with whom he has two daughters na sina Leila at Sarah.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE