Villanueva

Sapat na pondo ng DMW para sa 2023 tiyakin

December 19, 2021 People's Tonight 310 views

Villanueva sa Presidential wannabies:

NANAWAGAN si reelectionist Senador Joel “Tesdaman “ Villanueva sa mga presidential wannabies na sinuman ang manalo sa kanila sa darating na 2022 Presidential elections ay tiyaking mayroong sapat na pondong ipapagakaloob sa 2023 proposed national budget ang bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) na higit na tutugon o tututok sa mga problema ng ating mga Overseas Filipino Worker (OFWs).

Ayon kay Villanueva, pangunahing may-akda ng Senate Bill 2234 na na-adopt na din ng mababang kapulungan ng kongreso hinihintay na lamang ang lagda ng Pangulo para ito ay maging ganap ng batas.

Tinukoy ni Villanueva, Chairman ng Senate Committee Labor na isang magandang blueprint ang bagong tatag na departamento para matiyak ang proteksyon ng ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

“Pero kung magiging epektibo ang DMW, kailangan nito ng sapat na pondo. Lahat ng polisiya, dapat tapatan ng salapi. Kung wala pong pondo, walang programang mapapatupad para sa mga kababayan natin,” ani ni Villanueva.

Iginiit ni Villanueva na hindi lamang ang pagtitiyak na mayroong trabaho ang ating mga OFWs kundi dapat ding siguruhin at tiyaking mabigyan sila ng proteksyon at kalinga ng pamahalaan.

Ipinunto ni Villanueva na isa malaking tulong kung bakit nagiging matatag hanggang sa kasalukuyan ang bansa sa kabila ng pandemya ay dahil sa mga remittances ng mga OFW’s.

Bingyang-diin ni Villanueva na lalong palalakasin ng DMW ang serbisyo sa mga OFWs sa apat na aspeto, na kanyang tinawag na “4Ps.”

“Proteksyon, personnel, pondo at programa. Ito ang simpleng checklist ng mga gagampanan ng DMW na magsisilbi ring gabay kung nais nating magtagumpay ang kagawaran na ito,” dagdag ni Villanueva.

Tinukoy ni Villanueva na ang DMW ay naglalayong magtalaga o magdagdag ng ng mas maraming tao na magsisilbi sa mga OFWs.

Napuna kasi ni Villanueva at maging ng ilang mambabatas sa kasalukuyan na tula ang mga taong tumtugon sa pangangailngan, problema o hinaing ng ating mga kababayan.

“Magkakaroon po ito ng sariling pondo na hiwalay sa DFA na tatawagin nating AKSYON Fund na gagamitin para makapagbigay ng ligal na serbisyo ay iba pang tulong sa ating mga OFWs.

Sisiguraduhin po natin na may sapat na pondo palagi ang AKSYON Fund.”

Magkakaroon din ng maayos na programa ang DMW na tutugon sa pangangailangan ng mga OFWs, mula sa recruitment hanggang sa reintegration.

Magugunitang ang adbokasiya ni Villanueva ay unang magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan para makatulong sa kani-kanilang pamilya at sa huli kaakibat ng kanilang pagkakaroon ng trabaho ay ang pagkakaroon ng agarang aksyon at solusyon sa bawat reklamo o problemang kahaharapin ng bawat manggagawa.

AUTHOR PROFILE