Sam malapit nang maging ina

May 6, 2021 Aster Amoyo 687 views

KUNG ang mag-asawang David Semerad at Gwen Zamora ay meron nang almost two-year-old son na si Cooper John Semerad, ang twin brother naman ni David na si Anthony Semerad at wife nitong actress-commercial model and entrepreneur na si Sam Pinto ay malapit nang magkaroon ng kanilang first baby matapos nilang i-share sa social media ang sonogram nito.

Si Anthony na isang professional basketball player tulad ng kanyang twin brother na si David ay isinilang sa Australia to a Filipino mother and Czech father ay dito na sa Pilipinas naka-base.

Sam (who is Samuelle Lynne Acosta Pinto-Semerad in real life) and David had an intimate wedding rites at the rooftop ng Conrad Hotel in Pasay City overlooking Manila Bay nung nakaraang Mach 8, 2021. Habang sina Gwen at David ay nagkaroon din ng intimate wedding ceremony in France nung nakaraang February 13, 2021 kung saan kasama nila ang kanilang more than one-year-old son na si Cooper John.

Gwen is Gwenaelle Tasha Mae Agnese. She was born in Australia to her Filipina-Vietnamese mother and Italian-French father. Dahil sa nature ng work ng kanyang ama ay nakapaglibot sa iba’t ibang bansa si Gwen before she moved to the Philippines when she was 14. Nanirahan siya sa Australia, China at Thailand. Sa Pilipinas na nag-aral si Gwen ng Digital Filmmaking sa De la Salle – College of St. Benilde.

Bago naging nobyo and eventually maging mister ni Sam ang cager na si Anthony ay link ang actress-model at entrepreneur sa iba’t ibang male celebrities tulad nina Jake Cuenca, Alden Richards, Simon Atkins, Paul Jake Castillo, Jason Soong at Misagh Bahadoran.

Si Gwen naman ay na-link noon kina Aljur Abrenica, Raymond Romualdez at Jeremy Marquez kung kanino siya na-engage pero hindi nauwi sa pagpapakasal.

Kung si Anthony ay nakapag-invest ng isang farm in Batangas, si Sam naman ay nagbukas ng kanyang sariling boutique-resort in Baler, Quezon, ang L’Sirene Botique-Resort which she opened in 2017.

Donny ‘di pala suplado, ayon kay Belle

ANO kaya ang pakiramdam ngayon ng ex-PBB housemate-turned actress na isa nang Kapuso ngayon na si Kisses Delavin na may bago nang ka-loveteam ang ex-loveteam mate niyang si Donny Pangilinan sa Kapamilya network?

The son of actress Maricel Laxa and Anthony Pangilinan is now being groomed to the next level of stardom ng ABS-CBN bilang bagong ka-loveteam ng dating member ng “Goin’ Bulilit,” ang commercial model and young star na si Belle Mariano (18). Sina Donny at Belle kasama ang newbies ng Star Magic ay ilulunsad sa isang bagong TV series na pinamagatang “He’s Into Her” kung saan din kasama ang ibang mga baguhang young talents ng ABS-CBN tulad nina Joao Constancia, Jeremiash Lisbo, Rhys Miguel, Vivoree Escleto at iba pa.

Base sa reaction ng fans, mukhang ang tambalan nina Donny at Belle ang susunod na hot loveteam in showbiz.

Ayon kay Belle, akala niya ay suplado at aloof si Donny pero nang magsimula na silang mag-lock-in taping ng kanilang first TV series ay na-break ito. Marami ang nagsasabi na si Donny ang next matinee idol ng bansa dahil sa kanyang looks, height and talent.

Si Donny ay nagmula sa isang showbiz royalty. His dad Anthony ay kapatid ni Sen. Kiko Pangilinan at mister ng megastar na si Sharon Cuneta at first cousin niya si Frankie Pangilinan. Grandfather niya ang namayapang action star na si Tony Ferrer at lola naman niya ang veteran actress na si Imelda Ilanan. Auntie niya ang singer at talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano at uncle naman niya si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at first cousins niya sina Paolo, Gab at Kiana Pangilinan-Valenciano.

Bernadette panay ang share ng Covid experience

NAKAPAG-RESUME na bilang TV anchors ng “TV Patrol” sina Kabayan Noli de Castro, Bernadette Sembrano at Henry Omaga-Diaz last Wednesday, May 5 na nataon sa first anniversary ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020.

It was in April 22 nang magpositibo si Bernadette na gumaling naman nung nakaraang Sabado, May 1.

Dahil sa pag-positibo ni Bernadette sa Covid-19, kailangang mag-self quarantine for 14 days ang kanyang mga katrabaho sa radio at telebisyon including his co-anchors na sina Kabayan Noli at Henry.

Dahil sa kanyang naranasan, panay ang pag-share ni Bernadette ng kanyang naging experience para maging aware ng publiko na lalong maging maingat lalupa’t hindi nakikita ang kalaban na virus, ang Covid-19.

Assunta balewala ang mother role kay Baby Fiore

FOR the very first time ay makakatanggap na ang Fil-Italian award-winning actress na si Assunta de Rossi ng pagbati sa darating na Mother’s Day ngayong isa na siyang ganap na ina matapos niyang isilang si Baby Fiore last October 2020 after more than 16 years of waiting nila ng kanyang mister, ang businessman at dating politician na si Jules Ledesma.

Balewala kay Assunta ang kanyang mother role kay Baby Fiore sa tunay na buhay dahil ito ang nag-aalis ng pagod at stress niya.

May dalawang stepchildren si Asssunta kay Jules sa namayapa nitong unang misis.

AUTHOR PROFILE