
Sabrina Carpenter sa ex-BF ni Andrea: Well, he doesn’t have taste!
Viral na naman si Andrea Brillantes sa social media dahil sa video niya with American singer Sabrina Carpenter.
Nanood si Andrea ng concert ng nasabing sikat na foreign singer na ginanap last July 25 sa New Frontier Theater.
Dahil nasa front row siya ay napansin siya ni Carpenter at kinausap siya. Ang video ng kanilang pag-uusap ay kalat na kalat ngayon sa social media.
Sa video ay mapapanood na tinatanong ni Carpenter kung bakit siya galit.
“Why is she mad? I wanna know!” tanong ni Sabrina.
Sagot ni Andrea, “I think they know.”
Kasunod nito ay sinabi ni Andrea na may mga tao na sumisira ng kanyang reputasyon.
“I’m also just a victim but I never told them anything. But with your songs, it was like you were the one who was speaking to them for me. That’s why I love your songs so much,” sabi pa ni Blythe.
Narinig ni Sabrina ang sigawan ng audience at sey niya, “Oh, it’s a guy? No sh*t, it’s always a guy. I’m kidding.”
Sigawan ulit ang audience,
“You all know this guy?” tanong ni Sabrina at nagsigawan ng “yes” ang crowd.
“Is he here?” tanong ulit ng American singer.
“Well, he doesn’t have taste!” sey ni Sabrina.
Sigawan na naman ang mga tao.
Sa kanyang Twitter account ay parang nasa cloud nine ang aktres nang ikwento niya ang nangyari.
“Oh my God the Sabrina Carpenter just noticed me, picked me, looked at me, talked to me, fist bumped me, held the mic for me… i don’t know what to say… I love you so much… you’re amazing,” tweet ni Blythe.
Sey pa niya, “Ang panget ng english ko dun! She’s so freaking pretty and mesmerizing i forgot how to think and to speak proper english i’m so sorryyyyy i was literally shaking di ako makapaniwala sa nangyayari eh!”
Nagpasalamat din ang aktres sa crowd na very supportive.
“And thank you sa napaka warm na crowd kanina! Very supportive also HAHAHA! grabe i was literally so scared when she called me kasi ayaw ko na magalit mga tao sakin haha but this was a different experience thank you sa mga nandun,” aniya.
Matatandaang nang manood din si Andrea ng concert ng Black Pink sa ‘Pinas last March ay napansin din siya ng nasabing sikat na South Korean girl group.
Kasama pa niya that time ang boyfriend na si Ricci Rivero at nakita ng grupo ang promposal ng aktres sa BF para sa Star Magical Prom.