Kim

Kim, bet sundan ang mga yapak ni Juday

July 26, 2023 Vinia Vivar 213 views

Si Judy Ann Santos pala ang idolo ni Kim Chiu at gusto niyang sundan ang mga yapak nito sa lahat ng bagay, mapa-love life man o career.

Inamin ito ni Kimmy sa kanyang contract signing with ABS-CBN ngayong hapon.

Napanood namin ang live streaming ng contract signing at sa isang bahagi ay natanong ang aktres kung sino pa ang mga artista na gusto niyang makatrabaho.

Sey ng aktres ay napakarami pa at una nga niyang binanggit ang mga kaibigan niya’t kagrupo sa AngBeKi na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban.

“AngBeKi, Angelica and Bela, pangarap ko silang makatrabaho, sabay, silang dalawa,” aniya.

Sa young generation naman ay sina Kyle Echarri at Joshua Garcia ang binangggit niya. Gusto rin daw niyang makatrabaho ulit sina Jake Cuenca at Coco Martin. She also mentioned Piolo Pascual.

Last but not the least, aniya, “Judy Ann Santos, pangarap ko talaga ‘yan, like super! Life goals ko siya, actually. Sa love life, sa career, sa family, sa life.”

Dagdag pa niya, si Juday ang kanyang standard.

“Judy Ann is the key, Judy Ann is the standard,” sambit niya.

Samantala, naging emosyonal si Kim habang nire-recall ang kanyang pagsisimula bilang artista 17 years ago nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother” at magtuluy-tuloy ito hanggang sa isa-isa nang matupad ang kanyang mga pangarap.

AUTHOR PROFILE