Winwyn

Winwyn, binuking ang magiging laman ng selebrasyon ng ‘Eat Bulaga’ anniversary

July 26, 2023 Ian F. Fariñas 200 views

SA Sabado, July 29, na magbabanggaan ang sabayang selebrasyon ng E.A.T. ng TV5 at Eat Bulaga ng GMA para sa 44th anniversary ng pinag-aagawang noontime show.

Kaya naman inusisa ng entertainment press si Winwyn Marquez ukol dito bilang isa siya sa guest hosts ng revamped EB ng TAPE, Inc.

Sa katatapos na red carpet premiere ng bagong movie niyang The Cheating Game na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ikinuwento ng dating beauty queen na kailangang abangan ang anniversary episode ng EB.

“The anniversary kasi it’s… ‘yung gagawin nila, gagawin namin, it’s going to revolve sa viewers, sa audience na manonood, sa mga staff na nandu’n. So, it’s celebrating them, I don’t think it’s celebrating, it’s not about the hosts. It’s not about the hosts. It’s more about the people na matutulungan pa talaga,” tsika niya.

Inamin din ni Winwyn na bago niya tinanggap ang alok na maging guest co-host, eh, nagpasintabi siya sa grupo nina Tito, Vic at Joey bilang respeto sa mga ito.

Wala umano siyang direct contact sa TVJ at legit Dabarkads kaya idinaan niya sa staff ang pasintabi.

Naiintindihan daw niya kung may mga hindi nag-reply sa message niya although meron din namang sumagot at supportive na nagsabi pang mag-enjoy lang siya sa trabaho.

Anyway, welcome kay Winwyn ang ideya na gawin siyang regular sa EB kung saka-sakali.

“Oo, okay sa akin kung… if ganu’n ang mangyayari, okay talaga sa akin,” pahayag ni Winwyn.

AUTHOR PROFILE