Ryan

Ryan, pinabilib ang entertainment press

December 17, 2023 Ian F. Fariñas 146 views

PINAHANGA ni Ryan Gallagher, American singer at alumnus ng sikat na reality show na The Voice, ang entertainment press nang kumanta siya ng dalawang Tagalog songs sa launching ng kanyang Christmas single na The Feeling of Christmas sa Aromata Restaurant noong Huwebes.

Bukod sa napakagandang boses, eh, napakalinaw pang nabitawan ni Ryan ang lyrics ng OPM hits na Minsan Lang Kitang Iibigin at Kahit Isang Saglit.

Kaya naman hindi lang siya pinalakpakan kundi sinabayan pa siyang kumanta ng showbiz writers.

Hindi kataka-taka ang kahusayan ni Ryan sa pagta-Tagalog dahil ayon sa kanya, itinuturing na niyang “second home” ang Pilipinas.

Maraming beses na raw siyang nagpabalik-balik sa bansa. Katunayan, dalawang beses na siyang naka-experience ng Pasko rito at marami-rami na rin siyang Pinoy friends na ang iba ay kinu consider na rin niyang pamilya.

“Obviously, Christmas is fun dito sa Pilipinas,” ani Ryan, na nasa pangangalaga ng Fire and Ice Music ng mag-asawang Liza Diño at Ice Seguerra ngayon.

May mga plano na para sa kanyang recording career dito, kabilang ang pakikipag-collab sa ibang artists tulad ni Ice.

Nasa drawing board din ang paggawa ni Ryan ng original songs at shows para mas makilala pa siya ng Pinoy fans.

“Write original Pinoy music from a foreign aspect. (That’s) kinda cool. But let’s see,” pahayag pa ng classically trained baritone-tenor.

Sa ngayon, tututok muna si Ryan at ang Fire and Ice sa promo ng The Feeling of Christmas na available na sa Apple Music.

Paliwanag ng singer na minsan na ring nakatrabaho sina Carrie Underwood, Josh Groban at Lea Salonga, “I wanted to capture the feeling of Christmas for me. For me, it was all about the snow, the gifts, and the presence of family and loved ones. But then I thought, it’s Jesus’ birthday, and what did he do? The story of Christmas is about Him coming into the world to save us, right? So, I wanted to write something that was dear to my heart but also fun and upbeat.”

Ang nasabing single ay parte ng 16-track Christmas album na ni-record ni Ryan kasama ang isang full orchestra sa Nashville, Texas at Los Angeles noong nakaraang taon.

Nakatakda itong i-launch anytime soon, inuna lang ang single na pino-promote nga niya sa Pinoy audience.

Ani Ryan, “I’m very thankful for the support of the Filipino people throughout my career. They’ve been helpful and encouraging, and I owe so much to them. Whenever I’m here, it’s like a snowball effect, one gig after another.”

AUTHOR PROFILE