Adiong

Rules of evidence dapat mangibabaw sa PDEA leaks probe — Adiong

May 8, 2024 People's Tonight 74 views

NANAWAGAN si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Sen. Bato dela Rosa – isang dating PNP chief—na gamitin ang kanyang expertise bilang isang pulis sa pagsuri ng mga ebidensya kaugnay ng umano’y PDEA leaks o dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng iligal na droga.

Sinabi ni Adiong sa isang press conference na ginanap sa Manila Polo Club na bagamat kaibigan nito si Dela Rosa hinid umano ito sang-ayon sa isinasagawang imbestigasyon ng komite nito kaugnay ng alegasyon ng sinibak na PDEA agent na si Jonathan Morales.

“Si Senator Bato is a friend, and being a policeman – he is a former PNP chief – alam ho niya ‘yong rules of evidence. If your goal really is to achieve a successful prosecution, you have to have a legal basis and a sound evidence to prove your case,” sabi ni Adiong.

Sa nakaraang dalawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Sen. Dela Rosa, nabigo si Morales na patunayan na totoo ang PDEA leak.

Si Morales ay sinibak sa PDEA dahil sa umano’y dishonesty at misconduct.

“Nakikita po natin sa nangyayari ngayon sa Senado sa kanilang investigation, ang mismong institution ang agency na sinasabi na doon nanggaling – allegedly – ang PDEA mismo ang nagsasabi walang verified na accounts, walang verified documents,” sabi ni Adiong.

“Yung mismong guest nila, ‘yung mismo ang nagsasabi na totoo ‘yong documents, ay hindi niya ma-pinpoint kung saan niya nakita, sinong nagbigay. Hindi niya ma-eksaktong masabi kung anong month ba ‘yon, ano’ng year ba ‘yon nakita, sino ba ‘yong kausap niya,” dagdag pa nito.

Lahat umano ng sinabi ni Morales, ayon kay Adiong ay hearsay at hindi magagamit na ebidensya.

“Everything is hearsay. Kung ikaw ay isang, you know, based on his background as a policeman, alam po naman natin may mga abugado tayo dito. You present your case, your evidence, to the fiscal, to the prosecutor,” paliwanag ni Adiong.

“If there’s no evidence, solid evidence, automatic that would go to waste, kumbaga automatic dismissed na po ‘yan,” deklara nito.

Ipinunto rin ni Ading na ang dapat tutukan ni Dela Rosa ay paggawa ng batas o pagrepaso sa kasalukuyang batas upang maging epektibo ito.

“Ang ibig ko lang pong sabihin is kung itong klase ng committee hearing which is supposedly in aid of legislation, your main objective there is to number one, review existing laws, and then amend them, and then improve on the laws that would make it fitting to the current system or demand ng time, or present circumstance,” wika pa ni Adiong.

“We don’t see that as the substantive reason for this ongoing investigation, dahil unang-una, wala kang basis ano ba talaga ang gusto natin dito. Ano ba talagang gusto natin, what is the main objective and motive? Kasi magkadugtong po ‘yan eh, ano po ‘yong motibo at ano po ‘yong objective mo?”

“If the objective is really to review existing laws, then tell us, what laws would you like to amend?” dagdag pa nito.

AUTHOR PROFILE