Default Thumbnail

Rubio, mabilis pero maingat na pinapatakbo ang BOC

April 26, 2023 Vic Reyes 211 views

Vic ReyesMARAMI ang nagtataka kung paano napapatakbo ng mahusay ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang day-to-day operations diyan sa “snake-infested waterfront.”

Pero pangkaraniwan na lang ito sa mga taga-Bureau of Customs (BOC), importers at customs brokers.

Sa totoo lang, inaasahan nga nilang ganito ang mangyayari dahil kahit siguro nakapikit ang mata ng “Anak ng Batac, Ilocos Norte” ay alam niya kung papaano rendahan ang BOC.

Ito ang maganda kung ang uupong hepe ng isang ahensya ay manggagaling sa hanay ng “insiders,” na kagaya ni Commissioner Rubio,” who rose from the ranks.

Ang ibig sabihin niyan ay trabaho kaagad ang aatupagin ng “insider” dahil matagal na siyang parte ng ahensya.

Walang masasayang na oras dahil hindi na niya kailangang pag aralan ang “ins and outs” sa opisina.

Isa pa, alam ng isang “insider” kung saan dapat ilagay ang kanyang mga opisyal at tauhan para magamit ng tama ang kani-kanilang mga expertise.

Kung magbabalasa man siya sa hanay ng mga personnel ay hindi sa gusto niyang paboran ang isang kaibigan o kakilala kundi gusto niyang maayos ang takbo ng “BOC Express.”

Sa ngayon ay mabilis pero maingat na pinapatakbo ni Commissioner Rubio ang “BOC Express” para ma-realize ng ahensya ang mission at goals.

Lalo na ang 2023 collection target at matigil ang lahat ng “forms of smuggling” sa Pilipinas.

***

Malamang na kinakabahan na ang mga lingkod-bayan na hindi makasabay kay Pangulong Bongbong R. Marcos Jr. sa kanyang paninilbihan sa taumbayan.

Alam ng taumbayan kung paano magtrabaho si Pangulong Marcos para lang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap sa buong bansa.

Dapat ngang kabahan na ang mga pakuya-kuyakoy na appointed government officials.

Sa isang buwan, Mayo, ay matatapos na ang tinatawag na one-year ban sa pag-appoint sa mga natalong kandidato noong nakaraang national at local elections.

Pagkatapos ng ban ay puwede na namang magtrabaho sa gobyerno ang mga hindi pinalad na manalo noong nakaraang halalan.

Sa tingin ng marami, kasama na ang inyong lingkod, ay maraming talunang politiko ang talaga namang magagaling, masisipag at well-meaning na lider.

Siguro wala namang masama kung pabayaan nating magsilbi muli sila sa bayan at taumbayan.

Nandiyan naman ang publiko, kasama na ang media, para bantayan ang kanilang mga kilos upang masigurong hindi sila lilihis ng landas habang nasa gobyerno.

Naniniwala tayo na ang tanging gusto ni Pangulong Marcos ay tuloy-tuloy na ang ating pagbangon pagkatapos ng mahigit dalawang taon na COVID-19 pandemic.

Tama ba kami, Senator Imee R. Marcos?

***

Mabuti naman at bukas pala ang gobyerno sa panukalang ibalik ang dating school calendar.

Dati kasi ay natatapos and pasukan sa buwan ng Marso.

Abril at Mayo ang school break, na sinasamantala ng mga bata at magulang para magpahinga at mamasyal.

Pero dahil sa crippling coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay binago ang school calendar.

Ang problema ngayon ay maraming bata ang nagkakasakit dahil sa sobrang init sa loob ng mga silid-aralan.

Hindi makayanan ang “heat wave” na nagpapahirap sa maraming parte ng mundo, kasama na ang Pilipinas, bunga ng lumalalang problema ng climate change.

Hindi bale sana kung naka-aircon ang mga public school buildings. Ni wala nga yatang electric fan ang karamihan sa mga silid-aralan ng government schools.

Kawawa naman ang mga mag-aaral, titser at iba pang school personnel. Pati na ang mga magulang na wala man lang pambili ng paracetamol kung magkasakit ang mga anak.

Hindi ba, Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire? (Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0917 8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

AUTHOR PROFILE