Freedom

Role ng mass media

April 29, 2023 People's Tonight 226 views

TALAGANG napakalaki ang papel na ginagampanan ng mass media sa pagbuo ng opinyong publiko at nagti-trigger pa ito ng social mobilization at pagbabago sa ating lipunan.

Sa isang talumpati sa Makati City noong Huwebes, Abril 27, ay ipinangako ni Pangulong Marcos na makikipagtulungan siya sa media para mapalakas pa ang press freedom sa bansa.

At nakahanda ang mga otoridad, sa pamamagitan ng concerned government agencies, para protektahan ang mga mamamahayag habang ginagampanan ang kani-kanilang mga tungkulin.

“This government will remain commited to ensuring freedom of expression and of the press, and the protection of media practitioners, and their rights in the practice of their profession,” sabi ni Marcos.

Ganunman, sana ay maging responsable naman ang mga brodkaster, komentarista, diyarista at kolumnista dahil nakabantay sa kanila ang taumbayan.

Sa paningin ng marami, kasama na ang mga ordinaryong Filipino sa kalungsuran at kanayunan, ang kailangan ng bansa ay “constructive and not destructive critics of the administration.”

Nangako din si Marcos na “I am committed to working hard to clomb our way up in the global press freedom rankings.”

Tama ang panawagan ni Marcos sa media practitioners na “they ought to lead and foster public discussion, truth and credibility, the rule of law, especially in the practice of broadcastimg. news reporting and information dissemination.”

Ang dami ng mga problema sa bansa, lalo na ang kahirapan, kawalan ng trabaho, homelessness, illegal na droga, walang katapusang price increases st korapsyon.

Huwag naman ang gobyerno at mass media pa ang magsiraan habang nagsisikap tayong makahulagpos sa kuko ng maraming problema dulot ng COVID-19 pandemic.

AUTHOR PROFILE