Default Thumbnail

KAAWA-AWA ANG MGA MAHIHIRAP NA MAY AUTISM

April 29, 2023 Marlon Purification 214 views

Marlon PurificationMABUTI na lang at mayroong Congresswoman Marissa del Mar Magsino na nakaisip upang pagtuunang pansin ang pagsusumite ng panukalang batas na naglalayong bigyang atensiyon ang problema sa autism, partikular na sa mga kababayan nating mahihirap.

Si Cong. Marissa ng Overseas Filipino Workers (OFW) Partylist ay naghain ng panukalang House Bill No. 7892 o “An Act Providing for Protection and Welfare Benefits to Persons with Autism and for Other Purposes.”

Ang autism, na ang tawag din ay ‘Autism Spectrum Disorder’ (ADS), ay isang uri ng karamdamang nakaaapekto sa pag-iisip, kilos at galaw ng isang indibiduwal.

Lumilitaw ito sa magkakaibang sintomas kung saan ang bawat indibiduwal na mayroon nito, partikular na ang mga batang paslit, ay nangangailangan ngmatinding pagsasanay at pag-aaruga ng kanilang mga magulang, kapatid o mahal sa buhay.

May kanya-kanyang interes, kabagalan sa pag-unlad — mental, pisikal at kahit emosyunal. Iyong iba pa nga ay nagkakaroon ng matinding pagkabalisa, depression at sleep disorders.

“I have been approached by families caring for persons with autism (PWAs) and I can see how emotionally and financially challenging it is for them partly because there is little support from our government institutions for PWAs. Almost all their expenses are out of pocket, especially the costs for occupational and speech therapies. They also worry about how their family members with autism will integrate into our society as they grow older since we have insufficient policies providing opportunities for them,” ani Cong. Marissa.

Sa pahayag na ito ng magaling na kongresista ay natumbok agad niya ang malaking problema ng bawat pamilyang nag-aaruga ng may ‘autism.’

Partikular na rito ang malaking gastusin upang tustusan ang pagpapagamot sa mga batang may autism.

Masuwerte kahit papano ang mga mayayaman na may pantustos sa pagbayad sa mga doktor o ‘occupational therapists’ upang kahit papano ay masubaybayan ang pag-iisip at abilidad ng isang batang autistic.

Ang bayad sa isang occupational therapist ay nagmumula sa P1,500 hanggang P5,000 kada sesyon.

Malaking halaga ito sa bawat mahihirap na pamilya na gustuhin man nilang kumuha ng occupational therapist ay uunahin muna nilang bumili ng bigas para sa kumakalam nilang sikmura.

Kaya ang nangyayari ay sa halip na maturuang mabuti ang bawat batang may autism ay napapabayaan na lalo siłą dahilan upang hindi na nila malasap ang ang ganda at şarap ng buhay.

Sa tantya ng mga eksperto, mahigit sa isang milyong batang Pilipino ang may autism na ngayon at majority sa bilang na ito ay mga mahihirap at walang kakayahang tutuşan ang gamutan sa anak nilang autistic.

Ang isa pa sa nakapanlulumong problema ng pamilyang may autism na anak ay ang kakulangan kung paano sila tanggapin sa lipunan.

Kaya nga layon ng HB 7892 ni Cong. Marissa ay palakasin at pag-ibayuhin ang mga lugar kung saan ay maging ‘autism friendly’ ang lahat.

Malaking tulong dito ang suporta ng bawat local government units (LGUs) at mga commercial establishments.

Dapat ay magkaroon din sila ng tamang lugar sa edukasyon, trabaho, insurance coverage, medical care and therapeutic services at siyempre sa serbisyong pang-transportasyon.

“Specifically, the bill includes Persons With Autism (PWAs) in the definition of persons with disability (PWDs) as defined under Republic Act No. 7277, as amended, which would provide them the rights, privileges, and other benefits for persons with disabilities under existing laws.

The bill also mandates the Department of Health (DOH) to establish a program for early screening and detection of autism with the appropriate services that may be needed,” wika pa ng taga-pagtaguyod ng OFW Partylist.

Binibigyang katiyakan ng HB 7892 ni Cong. Marissa ang paglaban sa diskriminasyon sa insurance coverage, edukasyon, mandatory Philhealth coverage at ang ‘equal employment opportunities.’

“More importantly, the proposed measure mandates the Philippine Council for Mental Health, in coordination with relevant agencies, to develop and regularly update a National Autism Care Plan (NACP) to respond to the needs of PWAs and their families and for the guidance of stakeholders in the public and private sectors,” ani Cong. Marissa.

Sinabi ni Cong. Marissa na naging inspirasyon niya sa paghahain ng ganitong uri ng panukalang batas ang mga kababayang OFW na nagpapakahirap na sa labas ng bansa para magtrabaho bilang pangsuporta sa kanilang pamilya sa Pilipinas, ngunit hindi na mas nakakabigat ng kanilang pasanin ang problema sa pag-aala sa ilang anak na may autism na problema.

“The OFW Party List is not only limited to helping people in the OFW sector; we are open to provide assistance, in any way, shape, or form, to different vulnerable sectors of our society, such as persons with autism. We want to ensure that they will become independent and productive members of the society by making our societal structures and policy environment more inclusive and more conducive for them,” wika pa Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.