Dead

Rider nawalan ng kontrol sa motor, sumemplang, dedo

February 9, 2024 Melnie Ragasa-limena 123 views

NASAWI ang isang rider matapos na mawalan ng kontrol sa minamanehong motosiklo at nagpagewang-gewang hanggang sa tuluyang bumagsak sa kalsada sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Victor Gallego Dela Cruz, residente ng Doña Josefa, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 1:45 ng madaling araw (February 9), nang maganap ang aksidente sa northbound ng Katipunan Ave., Tunnel sa Brgy. Blue Ridge B, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyo ni PCpl Jomar B Apongao, sakay ng Suzuki motorcycle (164PIE), binabaybay umano ng biktima ang kahabaan ng Katipunan (Northbound) galing Libis at patungo sa direksyon ng Aurora Boulevard.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay nawalan umano ng kontrol ang biktima sa minamanehong motorsiklo, nagpagewang-gewang saka bumagsak sa semento.