Martin

Rice production tataas sa bagong batas–Speaker Romualdez

July 9, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 313 views

UMAASA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, upang dumami ang produksyon ng bigas sa bansa.

“I have a strong feeling that the new law would pave the way for our farmers to produce more rice, which is our basic staple, and other crops that they grow in between rice planting,” ani Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng RA No. 11953, sasagutin na ng gobyerno ang lahat ng utang ng 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcs Sr. na umaabot sa P58 bilyon.

Bibibigyan din ng exemption sa pagbabayad ng estate tax ng mga lupa na ibinigay sa ilalim ng agrarian reform ang lahat ng ARBs.

Ang gobyerno na rin ang magbabayad sa P206.2 milyong pagkakautang ng 10,201 ARBs sa may-ari ng lupa na kanilang sinasaka sa ilalim ng voluntary land transfer-direct payment scheme.

“Now that our farmers will soon be free of debt, I hope that they will be able to increase their produce to at least 100 50-kilo bags per hectare, from the present 60 to 70 cavans.

But of course, the government will have to help along the way,” ani Speaker Romualdez.

Unang hakbang sa pagtulong sa mga magsasaka upang maging produktibo ang pagsalo sa utang ng mga ito. Dahil dito, maiangat ang kanilang buhay sa kahirapan at magpaparami sa produksyon ng bigas sa bansa.

Binigyan-diin ng lider ng Kamara ang pangangailangan na tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka upang mangyari ang layunin ng bagong batas.

Nanawagan si Speaker sa mga ahensya ng gobyerno, partikular sa Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture at National Irrigation Authority, nang tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka.

“Irrigation is as important as credit and farm inputs in increasing the farmers’ produce. Without irrigation, our rice farming sector will not be able to improve from 60-70 cavans per hectare,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Dapat din umanong bantayan ng mga ahensya ang mga magsasaka upang malaman ang kalagayan ng mga ito.

“Since they have the exact number, which is 610,054 tilling 1.173 million hectares, I am assuming that these agencies know them.

So let us check on them every now and then to ask them what assistance they need, how are they doing,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Nanawagan din ang lider ng Kamara sa mga ahensya ng gobyerno na tiyakin na maipatutupad ng maayos ang RA No. 11953 upang matiyak na magtatagumpay ito.

“This is President Ferdinand R. Marcos Jr.’s version of his father’s Tenant Emancipation Law, Presidential Decree No. 27, one of the first issuances of President Marcos Sr. which liberated farmers from the stranglehold of landowners.

Fifty-one years later, we are trying to free them from debt and other things that hobble them. Let us try our best to succeed,” ani Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE