Pawi

‘Revirginized,’ numero uno sa Vivamax

August 8, 2021 Ian F. Fariñas 503 views

MEGA pasabog nga ang nangyari sa unang araw (August 6) ng online streaming ng bago at mapangahas na pelikula ni Sharon Cuneta na Revirginized sa Vivamax, ktx.ph, iWant TFC at TFC IPTV.

Sa ngayon, hawak ng Megastar ang korona bilang Top Content of the Week ng Vivamax.

Mega suporta nga ang ipinakita ng Sharonians worldwide dahil maging ang hashtag na #RevirginizedWorldPremiere ay nag-trending din sa naganap na Twitter party.

Bukod d’yan, apaw din ang magagandang review sa performance ni Sharon sa pinag-uusapang comedy-drama movie na dinirek ng maverick director na si Darryl Yap (Jowable, Tililing, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, atbp.).

Bumilib ang netizens dahil nakaya ng singer-actress na dalhin ang pelikula na halos pulos mga baguhan ang kasama sa cast maliban sa love interest na si Marco Gumabao.

STAR-STUDDED LINE-UP SA TODO MAX WEEKEND NG TV5

STAR-STUDDED ang line-up ng naging contestants sa magkakasunod na game shows ng Viva TV sa Kapatid network nitong weekend.

Sumakit ang tiyan ng audience sa katatawa at sayang inihatid ng mga celebrity na naki-luck and roll sa host na si Yassi Pressman sa Rolling In It Philippines nu’ng Sabado, alas-siyete ng gabi.

Kwela ngang nakipaglaro sa isa’t ang mga tulad nina Ella Cruz, Rhen Escaño at Dennis Padilla.

Nag-init naman ang mga bola at maging ang televiewers sa certified Brazilian hotties na sina Daniel Matsunaga at Fabio Ide na bumangga naman at nakipagtagisan ng galing sa The Wall Philippines.

Lalo pang sumigla ang gabi sa antics at mahusay na hosting job ng Viva babe na si Billy Crawford.

Ang The Wall Philippines ay napapanood tuwing Sabado, alas-otso ng gabi.

Magkakahalong drama, luha’t kilig naman ang hinatid ng tambalang Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa #EncounterCoolOff episode ng Pinoy adaptation ng sikat na K-drama nitong Sabado.

Nagkahiwalay mang panandalian, sa relasyong Gino (Diego) at Selene (Cristine), hanap pa rin ng mga mata at puso nila ang isa’t isa.

Makatulong nga kaya ang space na hiniling ni Selene sa nagsisimula pa lang na relasyon nila ni Gino o mas lalo lang makakagulo ang pansamantalang hiwalayan sa kanilang mga emosyon?

Abangan ang lahat ng iyan sa Encounter tuwing Sabado, alas-nuwebe ng gabi, sa mainit na Todo Max Weekend ng Kapatid network.

AUTHOR PROFILE