yedda Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez

Rep. Yedda Romualdez sa mga graduates: Huwag kalimutan ang pinagmulan

July 7, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 356 views

MULING iginiit ni House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang kahalagahan ng edukasyon at ang kakayanan nitong mabago ang buhay ng isang pamilya.

Sa kanyang pagdalo sa commencement exercises ng Leyte Normal University College of Education Class of 2023 bilang isang panauhing pandangal, binati rin ni Rep. Yedda ang mga nagsisipagtapos.

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang mga nagsipagtapos na huwag kalimutan ang kanilang pinagmulan at pagsilbihan ang kanilang komunidad.

Kasama sa mga nagsipagtapos ang mga scholars ng Tingog party-list. Dalawa sa kanila ay mayroong honors—sina Nicole Fave Balais, cum laude ng Bachelor of Elementary Education (BEEd), at Angela Eulogio, cum laude ng Bachelor of Early Childhood Education (BECEd).

“You are the embodiment of our organization’s mission and we are immensely proud of you.

You have not only proven that you have the capability to excel in your chosen fields, but you have also shown that with hard work and determination, nothing is impossible.

You have earned your degree, and now it is time to pay it forward and use your education to make a positive impact in society,” sabi ni Rep. Yedda.

Isa ang LNU sa mga unibersidad sa bansa na lumilikha ng mga de kalidad na graduate at ipinagmamalaki ng Eastern Visayas sa natatanging paghubog nito sa mga magiging guro ng bansa.

AUTHOR PROFILE