Renz Renz at Jef kasama ang ABS-CBN execs

Renz at Jef ikinasal na

July 1, 2024 Eugene E. Asis 52 views
Renz1
Renz at Jef kasama sina Lorna Tolentino at Lityo Lapid
Renz2
Renz kasama ang mga ninong kabilang si Manny Pacquiao
Renz3
Ang newlyweds kasama ang entourage

IKINASAL na sina Renz Fernandez (38) at aktres na si Jef Gaitan (34).

Si Renz ay anak ng kilalang aktres na si Lorna Tolentino at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Si Jef naman ay isang model-actress.

Sa Instagram post ni Jef, ipinakita niya ang ilang throwback pictures kasama si Renz, kasama ang katagang “misis.”

“Our love story in 10 pictures. In God’s perfect time, true love is always worth the wait. Now, is our time, finally [heart emoji],” caption niya.

Sa hiwalay na IG post, makikita naman ang wedding bouquet ni Jef na puno ng sunflower, pati na rin ang isang picture habang nakasuot siya ng wedding gown kasama ang mister na nasa tila nasa harap ng altar.

“The sunflower represents lasting happiness, loyalty, and devotion. To me, it is also a symbol of joy and always looking to God for guidance. Just as I look to God for everything, my devotion now is to look only at my husband and to serve him faithfully and lovingly,” caption niya sa post.

Naganap ang intimate na kasalan sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong June 25.

Bukod sa kanilang mga mahal sa buhay, ipinasilip din ng aktres ang mga larawan ng principal sponsors sa kanilang kasal..

Kabilang na riyan ang mga senador na sina Grace Poe, Lito Lapid at Manny Pacquiao.

Si Renz ay napanood sa ilang TV series katulad ng “Ang Probinsyano,” “Cain at Abel” at ang Philippine adaptation na “Descendants of the Sun.”

Si Jef naman ay nagsimula bilang TV commercial model at noong 2009 ay sumali sa Survivor Philippines Palau sa GMA Network. Noong 2013, nakasali sa sa late night comedy gag showng ABS-CBN, ang Banana Nite. Naging co-host din siya sa ABS-CBN Sports and Action, kasama si Anthony Taberna. Napanood din siya sa ilang episodes ng ‘Maalaala Mo Kaya.’ Kinagiliwan din siya bilang isang FHM model.

Napapanood siya sa ‘Nag-aapoy na Damdamin’ ng Kapamilya Channel.

AUTHOR PROFILE