Rabiya

Relasyong Rabiya-Jeric hindi itinatago

March 17, 2022 Aster Amoyo 1075 views

Rabiya1IT was only last November 1, 2021 nang maging ganap na Kapuso ang 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo (25). And if there is one special reward na gusto niyang ipagpasalamat sa kanyang pagiging Kapuso ay doon niya nakilala ang kanyang nobyo ngayon, ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales (29) na matagal-tagal na ring panahong single at walang girlfriend.

Kung si Rabiya ay nagtapos ng Physical Therapy sa Iloilo Doctors College, si Jeric naman ay nursing graduate sa Calamba Doctors College in Laguna. Hindi na siya kumuha ng board exam dahil mas pinaboran niya ang kanyang showbiz career.

Si Jeric ay 2nd season Ultimate Male Protégé in 2012 at counterpart naman niya si Thea Tolentino.

Magmula nang maging mag-kasintahan sina Rabiya at Jeric ay naging bukas ang kanilang pagmamahalan sa publiko by sharing their happy moments sa kanilang respective Instagram accounts including their recent vacation in Bohol.

Si Jeric ay magiging bahagi ng cast ng GMA adaptation ng K-drama series na “Start-Up” habang si Rabiya naman ay kasalukuyang napapanood sa ikalawang season ng “Agimat ng Agila” kung saan tampok sina Sen. Bong Revilla at Sanya Lopez.

Rabiya was in a long relationship with Neil Salvacion na umabot ng pitong taon. Nagkahiwalay man sila ay nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Samantala, ilan sa mga gustong makatrabaho ni Rabiya sa bakuran ng GMA ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at Alden Richards.

EchoJericho may gagawing international movie

KAHIT nag-move na sa Big Apple (New York City) in the U.S. ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales with his British-born Australian digital and fashion influencer, blogger, stylist, designer and photographer na si Kim Jones-Rosales, he is still open to doing projects for his home studio and other film projects.

While in New York, he’s also taking up acting workshops to hone his acting skills.

ABS-CBN International is partnering with filmmaker-producer Pedring Lopez’ BlockOps Studios Asia, creative partner Psyops8, US-based Story Arch Pictures, Hong Kong-based Agog Film Production and Hong Kong-based New Asia Ferrell Asset Management for a prison crime action drama film, ang “Sellblock” to be topbilled by Jericho kasama ang iba pang award-winning actors including Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, RK Bagatsing, among others.

Si Pedring ang nag-direk ng action film na “Maria” in 2019 produced by Viva Films and was among the early Filipino films shown on Netflix. He also directed “Nilalang” in 2015 na nakapag-uwi ng limang awards mula sa Metro Manila Film Festival for Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, Best Musical Score and Best Sound. Same movie also won Best Director for Pedring sa New York and Spain International Film Festivals. He also directed “Biyernes Santo (Good Friday)” streaming on Vivamax this March 26.

“Sellblock” is intended for a worldwide audience at nasa pre-production stage na and might be shot abroad.

Pedring’s BlockOps Studios Asia and his partners are concentrating on Asian genre entertainment features.

PauloPaulo dadalawin si si Aki sa New York

SPECIAL guest ni Ogie Alcasid sa sa kanyang series of concerts sa California, USA ang rumored sweethearts na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na magsisimula sa Alex Theatre in Glendale on March 26 . Since pupunta ng Amerika si Paulo (although sa West Coast part), plano niyang mag-side trip patungong New York (East Coast) to visit his 11-year-old son na si Aki (Ethan Akio) na doon na nag-aaral.

Si Aki at younger half-sibling ni si Summer at bitbit ng Kapuso actress na si LJ Reyes patungong New York nang sila’y magkahiwalay ng actor na si Paolo Contis noong isang taon dahil sa third party.

Although matagal nang hiwalay sina LJ at Paulo Avelino, nananatiling magkaibigan ang dalawa dahil sa kanilang anak na si Aki. Sa part naman ni Paolo Contis, hindi pa umano handa si LJ na tanggapin itong kaibigan kahit may anak sila dahil masyado pa umanong sariwa ang sugat dulot ng kanilang paghihiwalay.

Ang tanong, isama kaya ni Paulo si Janine sa pagdalaw niya sa kanyang anak sa New York?

AlbeaTambalang Alden-Bea mauuna sa TV

MUKHANG mauuna pa ang tambalan sa telebisyon nina Bea Alonzo at Alden Richards kesa sa pelikula na unang napabalita noong isang taon.

Bea and Alden are to star the local adaptation ng Korean TV series na “Start-Up” kung saan din nila makakasama sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales ata iba pa.

Pero tuloy pa rin umano ang movie na gagawin ng dalawa, na isa ring Philippine adaptation ng Korean movie na “A Moment to Remember” na ginawang “Special Memory” na nakatakdang idirek ng box office director na si Nuel Naval na siya ring nag-direk ng 2019 box office movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach. Isa rin itong local adaption ng Korean hit movie of same title produced ng Viva Films.

Ang “Special Memory” ay magiging joint productions ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive movie contracts ni Alden.

KylieKylie nakaharap ang mga billiards master

HINDI makapaniwala ang Kapuso actress at ex-wife ng actor na si Aljur Abrenica na si Kylie Padilla na makakaharap at makakalaro niya ang mga billiards legends at masters na sina Efren `Bata’ Reyes, Francisco `Django’ Bustamante, Rubilen Amit at Johann Chua sa kanyang bagong serye na pinamagatang “Bolera”

Dahil sa kanyang bagong role na isang billiards expert, kailangang mag-aral si Kylie ng paglalaro ng billiards na kanya namang natutunan sa ilang session of trainings.

Makakasama ni Kylie sa “Bolera” sina Rayver Cruz, Gardo Versoza, Klea Pineda, Jak Roberto, Joey Marquez, Jacklyn Jose at Al Tantay.

Nagpapasalamat din si Kylie sa GMA dahil sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya lalung-lalo na ngayon na hiwalay na siya sa kanyang mister, ang dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

TracyTracy umabot lamang sa Top 12

HANGGANG Top 12 lamang umabot ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Tracy Maureen Perez sa nagtapos na 2021 Miss World na ginanap sa Coca-Cola Hall in San Juan, Puerto Rico last Wednesday, March 16 (umaga ng March 17 sa Pilipinas).

Ang Miss Poland na si Karolina Bielawska ang kinoronahang Miss World kasunod si Shree Saini ng USA as 1st runner-up at Olivia Yace ng Cote D’lvoire bilang second runner-up habang pasok naman sa Top 6 sina Carla Yles ng Indonesia, Karolina Vidales ng Mexico at Anna Leitch ng Northern Ireland.

It could have been an advance birthday gift for Miss World Philippines kung siya’y nakapasok man lamang sa Top 6. She is turning 29 this coming March 23 and will be her last journey sa beauty pageantry.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE