BBM Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Fedinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Rappler tinanggal survey vs BBM sa FB

October 16, 2021 People's Tonight 294 views

BBM

BBM
READY FOR DISTRIBUTION — Truckloads of relief packs sent by Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. that were turned over to the provincial governments of La Union and Benguet are now ready for distribution. The relief packs, consisting of food and other supplies including face masks and Vitamin C for the families affected by the recent Typhoon Maring in the provinces of La Union and Benguet were turned over to Gov. Pacoy Ortega and Gov. Melchor Diclas, respectively.

Matapos ulanin ng batikos mula netizens

TINANGGAL ng Rappler ang presidential survey nito sa Facebook matapos magalit ang mga netizens dahil natuklasan ang ginagawang pandaraya sa naturang survey kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Fedinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Humingi ng paumanhin ang Rappler at nagpaliwanag na tinanggal ang survey dahil hindi ito umano ayon sa kanilang layunin.

Ngunit inulan pa rin ng batikos sa mga vloggers ang media outfit dahil sa pagtangka nitong linlangin ang publiko.

“Hindi kinaya ng sistema ninyo, hindi kinaya ng program niyo, Facebook and Rappler, kung tinambakan man nila agad si Leni ng 100k o 150k para mahirapan si BBM. Epic fail,” pahayag ni vlogger Maui Becker, na kilala din bilang si Princess Maui.

Naghinala din si Princess Maui na na-access ang troll accounts at mga inactive accounts matapos makita na ang mga nag-heart ay pawang mga Arabo, Pakistani, walang profile picture, o mga fake accounts.

Samantala, iginiit naman ni vlogger Chika-Doro na tila naka-auto heart ang post kaya ang shocked emoji na pinindot niya ay napalitan ng heart.

“Nakakalungkot isipin na niloloko na naman tayo nitong biased press, biased media na ito,” ayon naman sa isa ring vlogger na si Kasangga Jay.

Noong Oktubre 7, nagpost sa Facebook ang Rappler ng isang survey para makita kung sino ang gusto ng netizens na ihalal bilang pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Para maipakita kung sino ang nais nilang iboto, iki-click ng netizen ang kaukulang emoji na nakatakda doon sa limang presidential aspirants na kasama sa pagpipilian.

Ngunit napansin ng isang netizen na hindi nagta-tally sa listahan ng mga Facebook users na sumagot sa survey ang kabuuang bilang ng clicks sa emoji para kay Marcos.

AUTHOR PROFILE