![Posas](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/10/Posas.jpg)
Rape suspek timbog sa Tanauan
ARESTADO ng mga otoridad ang isang suspek sa rape sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas, noong Martes.
Nakilalang ang suspek na 42-anyos, tubong Brgy. Pagaspas, Lipa City at naninirahan noon sa Brgy. Kanluran, Santa Rosa, Laguna.
Inaresto ang suspek ng mga pulis ng Tanauan sa bisa ng warrant of arrest bandang alas-10:10 ng umaga.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.